^

PSN Showbiz

Hindi nga lang dinibdib Kim madalas ‘bigyan ng award’ ni Direk Chito

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Miyerkules ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Etiquette for Mistresses na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Cheena Crab, Iza Calzado, at Kim Chiu. Para kay Kim ay ito na raw marahil ang pinakamapangahas na nagawa niyang proyekto. “It’s something na hindi sila sanay na makita ako, siyempre sa kahit anong bagay, gusto natin may bago. So parang, by this time, I have to offer something new to my audience. Hindi naman shocking na very new, pero it’s something different,” nakangiting bungad ni Kim.

Maraming mga bagay daw ang natutunan ng aktres mula sa kanilang direktor na si Chito Roño. “Isa doon ‘yung teleserye acting. Ilang beses niya sa akin sinabi ‘yun. ‘Bigyan mo ako ng bago, nakita ko na ‘yan, napanood ko na ‘yan.’ So kailangan kong umangat, kailangan kong gandahan,” kwento ni Kim.

“May joke time kami sa set na ako ‘yung ga-graduate ng Magna Cum Laude sa rami ng awards ko kay direk,” dagdag pa niya.

Wala naman daw problema kay Kim kung madalas man siyang napagsabihan ni direk Chito habang ginagawa ang nasabing pelikula. “Okay lang. maganda ‘yung pinagsasabihan ako. I’m open naman sa mga tinutuwid ‘yung mga mali kong gawain,” pagtatapos ng aktres.

Sarah pinapangarap sina John Lloyd at Piolo

Mamayang hapon ay mapapanood sa Ipaglaban Mo si Sarah Lahbati. Ito ang kauna-unahang drama project na nagawa ng aktres sa Kapamilya network. “It was very intense experience because the story itself is intense but it was a good one. I am excited for everyone to watch our episode,” bungad ni Sarah.

Nakailang guestings na rin ang aktres sa mga programa ng ABS-CBN kaya masayang-masaya siya ngayon. “It’s been good. So far everything has been very good and I’m very happy with what I’m doing now. I just try to enjoy everything that I do. If I’m doing anything new, I just enjoy it and give my hundred percent,” nakangiting pahayag ni Sarah.

May ilang Kapamilya actors na pinapangarap ang aktres na makasama sa isang proyekto. “I’d love to work with John Lloyd (Cruz) and Papa P (Piolo Pascual). They’re amazing actors and they’ve been in the industry for quite a long time,” pagtatapat ni Sarah.

Madalas na sumasayaw ang aktres sa ASAP at kung mabibigyan ng pagkakataon ay si Sarah Geronimo naman ang gusto niyang makasama sa production number. “I think she’s an amazing performer and I’d love to perform with her,” giit pa niya.

May payo raw sa aktres ang kanyang partner na si Richard Gutierrez ngayong marami siyang ginagawang proyekto sa Kapamilya network. “To enjoy everything, have fun and make everything count,” pagbabahagi pa niya.

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

ANG

CHEENA CRAB

CHITO RO

CLAUDINE BARRETTO

IF I

IPAGLABAN MO

IZA CALZADO

JOHN LLOYD

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with