^

PSN Showbiz

Misis ibinenta si mister alang-alang sa ama!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lahat ay kayang gawin at isakripisyo ng isang maybahay para lamang panatilihing buo at matatag ang kanyang pamilya. Ngunit paano naman kung kailangan niyang ibenta ang sariling mister kapalit ng lunas para sa nag aagaw-buhay na ama?

Ngayong Sabado (Sept 26) sa Magpakailanman, tunghayan ang nakakaintriga pero tunay na kwento ni Precy – isang ginang na ibinenta ang kan­yang mister para lamang iligtas ang buhay ng kanyang ama.

Itinakwil sina Precy at Anthony ng kanilang pa­mil­ya dahil maaga silang nag-asawa. Nakaranas sila ng labis na kahirapan subalit magkasama nilang hinarap ang mga pagsubok na ito.

Isang araw, nakilala ng mag-asawa si Rochelle at dito nagtrabaho si Anthony at sa compound niya sila tumira. Mula sa mahirap na kalagayan ay naging maginhawa ang buhay nina Precy at Anthony dahil kay Rochelle. Naging malapit ang loob ni Anthony kay Rochelle hanggang sa natuklasan ni Precy na may relasyon na pala ang dalawa.

Kinompronta ni Precy sina Anthony. Humingi naman ng tawad si Anthony kay Precy at nangakong magbabago na. Subalit nagkasakit nang malubha ang ama ni Precy at nangailangan ang pamilya ng malaking pera. Dahil sa sobrang kagipitan at wala nang iba pang matakbuhan, lumapit na si Precy kay Rochelle para mangutang.

 Ngunit paano kung ang hinihinging kapalit kay Precy ni Rochelle ay si Anthony? Paano kung ibenta nga ni Precy ang kanyang mister sa naging kabit nito? Tuluyan na nga bang masisira ang pamilya nina Precy at Anthony?

Itinatampok ang mahusay na pagganap ng mag-amang sina Carla Abellana at Rey “PJ” Abellana bilang Precy at Ador. Kasama rin sina Rafael Rosell bilang Anthony, Katrina Halili bilang Rochelle, Rap Fernandez bilang Alex, Karla Pambid bilang Betty, at Justin De Leon bilang Justin.

Mula sa direksyon ni Lord Alvin Madridejos, huwag palampasin sa Magpakailanman ang  kwento na Husband for Sale ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ALVIN MADRIDEJOS

ANG

ANTHONY

CARLA ABELLANA

JUSTIN DE LEON

KARLA PAMBID

PRECY

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with