^

PSN Showbiz

Babu JM, Jericho napisil na bagong leading man ni Jennylyn sa MMFF movie

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: As of presstime wala pang binibigay na statement si Sen. Grace Poe sa mga taong malapit sa kanya kaugnay ng pagsalita ni Sheryl Cruz sa Manila Hotel nung kamakalawa ng gabi.

Ang pagkakaalam namin, binitiwan na rin si Sheryl ng manager niyang si Rams David ng APT Entertainment dahil sa hindi na nga raw ito makontrol sa kung ano man ang gusto niyang gawin.

Sabi naman ni Sheryl, opinyon n’ya raw iyun at alam daw niya na irerespeto ito ng tiyahin niyang si Susan Roces.

Aniya; “I don’t think she would misinterpret this one.

“My aunt always respected our views, our opinion. We may have different opinions of each other, but you know what at the end of the day nga tulad ng sabi ko sa inyo, pamilya pa rin kami, and blood will always be thicker than water.

“We will always make up for whatever differences. This is politics, this is different arena than showbusiness. It is more complicated and more dirty.”

PAK: Sa presscon ng Felix Manalo na ginanap sa Manila Hotel nung kamakalawa ng gabi ay mahigpit na ipinagbilin na walang ibang isyung pag-usapan kundi ang tungkol lang sa pelikula.

Iniwas na lang kasi na maligaw ang usapan dahil sa eksena ni Sheryl bago nagsimula ang presscon. Kaya hindi na lang siya pinasali sa presscon ng Felix Manalo dahil sa ginawa nitong pagsasalita laban sa kanyang pinsan.

Kaya pagkatapos ng presscon, si Dennis Trillo na lang ang kinausap namin tungkol sa kanila ni Jennylyn Mercado.

Hindi raw niya isasama si Jennylyn sa premiere night ng malaking pelikulang ito na gaganapin sa Philippine Arena sa October 4, baka hindi lang daw niya maasikaso.

Baka magkaroon daw ng block screening, doon niya yayain ang Kapuso actress.

Okay naman daw sila, at hindi raw totoong may problema sila kaya magkahiwalay na sila ng dressing room.

“Dun naman sa set magkahiwalay talaga kami ng tent na standby area.

“Iba ‘yung sa lalaki, iba ‘yung sa babae. Okay naman kami, hindi totoo yung tampuhan,” safe lang na sagot ng bida ng Felix Manalo.

Sa October 7 na ang showing ng Felix Manalo at feeling ni Dennis napakasuwerte raw niya na sa kanya ipinagkatiwala ang naturang proyekto.

BOOM: Si Jericho Rosales na ang piniling kapalit ni JM de Guzman na leading man ni Jennylyn Mercado sa MMFF entry ng Quantum Films na Walang Forever.

Excited ang production staff sa pagpili kay Jericho dahil ngayon lang daw gagawa ang aktor ng romcom.

Medyo nahirapan lang ang handler ni Jennylyn sa pag-ayos ng schedule dahil nakakasa na raw sana ang schedule ng shooting para tumugma sa schedule nila ni JM.

Since pinalitan na nga ni Jericho si JM, kailangan na rin daw nilang ayusin uli ang schedule na magswak sa schedule nilang dalawa.

Medyo nahirapan na nga raw si Jennyyln dahil mga mabibigat na eksena ang ginagawa niya sa My Faithful Husband, tapos kailangan pa niyang tapusin ang Prenup nila ni Sam Milby, at sisimulan na niya ang Walang Forever.

Balak pa raw sana ng GMA na i-extend ang My Faithful Husband dahil sa gumaganda na kuwento at pataas na ang rating.

Pero hindi na raw talaga kakayanin ni Jennylyn, dahil magiging abala na rin siya sa promo ng Walang Forever.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

FELIX MANALO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

LANG

MANILA HOTEL

MY FAITHFUL HUSBAND

RAW

WALANG FOREVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with