^

PSN Showbiz

Ticket sa Felix Manalo movie nagkakaubusan na raw!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa October 4 pa ang premiere night ng Felix Manalo, pero balitang nagkakaubusan na ng tiket sa big event, kaya dapat bumili na ang mga gustong mapanood ang pelikula. Ang nakatutuwa, kahit hindi member ng Iglesia Ni Cristo ay gusto ring mapanood ang Viva Films movie na showing sa October 7.

Nakakagulat ang nakita namin sa social media na bultu-bultong tiket ang binibili para sa premiere night at nangangako silang panonoorin muli ang Felix Manalo sa regular showing nito. Nabalitaan daw nilang maganda ang pelikula at mahuhusay ang buong cast sa pangunguna ni Dennis Trillo, kaya excited silang mapanood ito.

Kitang excited at proud si Dennis sa Felix Manalo dahil may picture si Felix Manalo na nakalagay sa cabinet sa bahay niya, katabi ng collection ng book at DVD’s niya.

Samantala, patuloy ang pagre-request ng fans nina Dennis at Jennylyn Mercado na bukod sa kanyang pamilya ay imbitahan din nito sa premiere night ang aktres.

Yaya Dub nakakapagsalita na!

Natutuwa ang fans ni Wally Bayola dahil sa bagong TVC ni Maine Mendoza aka Yaya Dub kasama si Wally bilang si Lola Nidora. Kahapon ang shoot ng bagong endorsement ni Maine with Lola Nidora and this time, careful ang agency dahil walang lumalabas na leak kung anong produkto ito.

Mukhang sina Maine at Lola Nidora lang ang magkasama sa TVC at wala si Alden Richards.

Also, mag-shoot pa lang this Tuesday si Maine ng My Bebe Love sa direction ni Joey Reyes. Sabi pala ni direk Joey, ‘pag eksena ni Maine ang kukunan, walang lalabas na details kaya wala tayong mababalitaan hanggang sa presscon.

Samantala, narinig na nagsalita si Maine sa kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon. Bago himatayin ang karakter nitong si Yaya Dub, tinawag nito ng Lola si Lola Nidora.

Mikael takot kay Dennis!

Natawa kami sa nakausap naming taga-management ni Mikael Daez dahil sinabihan daw ng kanyang manager ang aktor na maging mas sweet pa kay Jennylyn Mercado sa mga eksena nila sa My Faithful Husband. Ingat na ingat daw si Mikael at dahil nahihiya kay Jennylyn at kay Dennis Trillo.

Careful daw si Mikael dahil loyal kay Megan Young at baka magselos daw ito.

Pero sabi nina Mikael at Megan, walang selosan sa kanilang at priority nila ang kanilang trabaho at career. Kaya nga wala tayong nabalitaan na nagselos si Mikael sa kissing scene at magiging love scene nina Megan at Tom Rodriguez.

Edgar naka-move on na kay Maxene

Kahapon nagsimula ang shooting ng movie nina Edgar Allan Guzman at Alex Gonzaga sa Star Cinema na I’ll Never Get Over You sa direction ni Enrico Santos. Ang alam ni Edgar, January 2016 ang playdate ng movie, pero kailangang by October ay tapos na nila ni Alex ang pelikula.

Nagkatrabaho na sina Alex at Edgar sa TV5, pero first movie nila ito together.

Tapos na rin ni Edgar ang gay movie nila ni Michael Pangilinan na Pare Mahal Mo Raw Ako sa direction ni Joven Tan.

Pinag-react namin si Edgar sa balitang may boyfriend na ang ka-love team niyang si Maxene Magalona. Paano na ang EMAX love team nila kung may Rob Mananquil na si Maxene?

“Happy ako kay Maxene dahil nakahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya. Tuloy pa rin ang love team namin ‘pag may project. Iba ang career sa personal life,” sagot ni Edgar.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALEX

ANG

DENNIS TRILLO

FELIX MANALO

JENNYLYN MERCADO

LOLA NIDORA

MAXENE

MIKAEL

NBSP

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with