^

PSN Showbiz

Pauleen bilib sa kakayahan ng Pinoy fashion designers

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Malamang na early next year na ganapin ang kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna dahil busy ngayon si Bossing Vic sa kanyang MMFF (Metro Manila Film Festival) movie entry na My Bebe Love (#KiligPaMore) na pinagtatambalan nila ng comedy queen na si AiAi delas Alas kasama ang pinakamainit na love team ngayon, ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza mula sa direksyon ni Joey Javier Reyes.

Ganunpaman, nagpi-prepare na ang couple na sina Vic at Pauleen para sa kanilang nalalapit na kasal in terms of date and time, venue, at ang mga makakasama sa kanilang wedding entourage.

Kung si Pauleen lamang ang masusunod, gusto niya na maging simple lang ang kanilang kasal ni Vic ganundin ang wedding gown na kanyang isusuot.

Pinabulaanan ni Pauleen ang lumabas na balita na isang branded RTW gown ang kanyang isusuot na binili umano nito sa kanyang recent visit sa Ame­rica. Isa umanong local designer ang gagawa ng kanyang wedding gown na ayaw pa niyang sabihin kung sino.

Kapag plantsado na ang lahat ng detalye ay saka lamang umano nila ito ibabahagi sa publiko.

Kapag mag-asawa na sina Vic at Pauleen may instant step-children at grandchildren kaagad ang magandang actress-TV host.

Ano kaya ang pakiramdam ngayon ng ex-GF ni Vic at kasamahan din sa Eat Bulaga na si Pia Guanio na may asawa’t anak na rin?

Heneral Luna patuloy na pinag-uusapan kahit hindi major star ang bidang si John Arcilla

Isa kami sa natutuwa para sa producer, director na si Jerrold Tarog at actor na si John Arcilla sa epic movie na Heneral Luna na kamakailan lamang nagbukas sa mga sinehan.

Sa tulong ng magandang review, word of mouth at social media, natulungan ang pelikula na maikalat sa publiko kung gaano ito kaganda. True enough sa mga sumunod na mga araw ay lalong umingay ang pelikula considering na hindi major star ang bida nitong si John. Sana ganito rin ang mang­yari sa marami pang pelikula na naipapalabas at ipapalabas pa lamang hin­di tulad ng karamihan na madalas na na­i­isnab at hindi sinusuportahan ng mga manonood.

AlDen at Yaya Dub positive energy ang naisasalin sa fans

Positibo ang effect ng AlDub loveteam sa kanilang fans dahil sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub na mismo ang nakikiusap sa kanilang mga tagahanga na huwag makipag-away sa fans ng ibang loveteams. Mas gusto ng AlDub na maging masaya at positibo lamang ang lahat at iwasan ang away-away.

There’s no doubt na ang AlDub ang pinakamainit na loveteam ngayon at kakaiba sila sa ibang loveteams tulad ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, JaDine nina James Reid at Nadine Lustre at ma­ging ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sana suportahan na lamang ng fans ang kanilang respective loveteams na hinahangaan kesa makipag-away pa sila sa ibang fans ng ibang loveteam para walang gulo at masaya ang lahat.

Pero ang problema, possessive at protective ang fans sa sarili nilang mga iniidolong loveteam kaya sila napapaaway.

Cast ng Nathaniel masaya sa limang buwan na pinagsamahan

Kapag maganda ang samahan sa set at ma­ganda ang takbo sa ratings ng isang tele­serye, nalulungkot ang bumubuo ng production at cast kapag isang kabanata na naman ng kanilang pagsasamahan ang matatapos tulad na lamang ng top-ra­ting na Nathaniel na sa September 25 na ang ending at papalitan ng bagong teleserye ni Coco Martin, ang TV remake ng classic hit movie ng yumaong movie king na si FPJ (Fer­nando Poe, Jr.), ang Ang Probinsiyano.

Nalulungkot man ang cast ng Na­tha­niel, natutuwa naman sila na isang ma­gandang samahan ang na­buo sa loob ng li­mang buwan.

Masayang-masaya rin siyempre sina Shaina Magdayao at Gerald Anderson na naging bahagi sila ng Nathaniel na nagbibigay ng magandang aral at inspirasyon sa mga manonood.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

HENERAL LUNA

JOHN ARCILLA

KAPAG

MAINE MENDOZA

MGA

NATHANIEL

PAULEEN

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with