^

PSN Showbiz

Vice at Coco makakasama ang JaDine na magpatawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mas magiging masaya na ang pelikulang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin dahil makakasama na rin dito sina James Reid at Nadine Lustre. Isa ang nasabing proyekto sa mga pelikulang kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF). “Nakapag-shoot na kami (ni Coco) noong August tapos pinalipas muna ang ghost month. Ngayon, mag-shooting na kami ulit,” bungad ni Vice.

Tiyak na ikatutuwa ng lahat ng tagahanga ng tambalang JaDine ang pelikula lalo pa’t sina Coco at Vice ang makakatrabaho nina James at Nadine. “Bale pamangkin niya si Nadine, ako naman, kapatid ko si James. Nakakatuwa ang mga eksena, nabasa ko ang script, mas mag-e-enjoy sila,” kwento ni Vice.

Sinisiguro raw ng komedyante na ito ang magiging pinakamasaya niyang pelikula dahil ito rin ang gustong mangyari ni Coco sa kauna-unahang proyekto na pinagbidahan nilang dalawa.

Sen. Chiz tinatanong si Heart sa mga ginagawang desisyon

Halos magkasunod na nagdeklara sa pagtakbo bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas sina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero noong isang linggo. Ayon sa asawa ni Senator Chiz na si Heart Evangelista ay hindi pa siya nakahanda sa mga posibleng mangyari sa panahon ng kampanya.

Kadalasan kasi ay lumalabas ang mga negatibong isyu tungkol sa mga kandidato kapag kampanyahan na. “I don’t think anybody is really prepared especially kung hindi naman ako sanay sa ganitong klaseng mundo. Pero we’re very hopeful that this election will be different from the other. I hope that imbes na magbatuhan sila ng putik ay pag-usapan na lang nila kung ano ‘yung mga plataporma nila, at hindi siya maging negative at magsiraan,” nakangiting pahayag ni Heart.

Todong-suporta lamang daw ang dapat ipagkaloob ng aktres sa asawa at sa running-mate nitong si Senator Grace. “Although being around Chiz and Senator Grace is very inspiring. Because of that, I’m very excited for this upcoming election,” dagdag ni Heart.

Ilang beses na pinag-usapan ng mag-asawa ang naging desisyon ng Senator Chiz na kumandidato para sa mas mataas na posisyon. “I just prayed with him and siyempre he was thinking before all of this. He would always ask me kung ‘Okay ka lang ba? Is this okay for you?’ Siyempre kino-consider din niya ‘yung feelings naman,” pagbabahagi ni Heart.

Maging ang mga magulang ng aktres ay nakasuporta na rin daw sa pagkandidato ni Senator Chiz ngayon. “There was no need for me to convince my parents,” makahulugang pagtatapos ng aktres.

Matatandaang hindi naging maayos ang pagtanggap ng mga magulang ni Heart sa relasyon ng aktres at senador noong bago pa lamang silang magkasintahan ilang taon na ang nakalilipas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

CHIZ AND SENATOR GRACE

COCO MARTIN

HEART EVANGELISTA

JAMES REID

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MGA

NADINE

SENATOR CHIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with