^

PSN Showbiz

Lelebel na kina Anne, Cristine, at Coleen Kiray itatambal kay Derek

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sobrang excited na ni Kiray Celis sa bagong pelikulang pagtatambalan nila ni Derek Ramsay. Malaking karangalan daw sa aktres na makasama si Derek sa isang pelikula lalo na’t pumapatok sa takilya ang mga ginagawa ng aktor. “I’ll work with Derek Ramsay, kaming dalawa, soon. Excited ako kasi after Coleen (Garcia, Ex With Benefits), shocks! Kiray talaga? Fun lang ‘tong movie namin, masaya lang,” natatawang bungad ni Kiray.

Hindi raw kailanman naisip ng aktres na makakatambal niya sa isang proyekto si Derek. “Siyempre nakakaloka kasi Derek Ramsay ‘yun. Isang Derek Ramsay ‘yun saka sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na, ‘Nakasama na niya sina Anne Curtis, Cristine Reyes, Coleen Garcia saka ikaw?’ Wow! May question mark. Masaya ako, matagal-tagal pa kaming magkakasama so abangan n’yo ‘yan,” nakangiting pahayag ni Kiray.

Kaya na kayang makipagsabayan ng aktres sa pagpapaseksi ni Derek sa pelikula? “Pwede dahil sexy si Derek. So hindi tayo pwede magpatalo pero ngayon hindi pa ready. Pero may mga scenes kami na bagong Kiray, sobrang bagong Kiray. First time kong magiging ganito,” pagbabahagi pa niya.

Ngayong magbabago na ng imahe si Kiray ay nakahanda na rin daw siyang tumanggap ng iba pang challenging roles. “Okay ako sa lahat basta hindi ako masasaktan. Ayoko ng mga hinahagis-hagis. Ako basta arte na kaya ko at ‘pag ibinigay sa akin at tingin ko kaya ko, at na-challenge ako, why not? At least nakita ako na bago ulit,” pagtatapos ng aktres.

Kathleen Hermosa ayaw pang magkaanak

Sa susunod na linggo ay magtatapos na ang teleseryeng Nathaniel. Masayang-masaya ang kapatid ni Kristine Hermosa na si Kathleen Hermosa dahil naging bahagi siya ng nasabing soap opera sa kanyang pagbabalik-showbiz. “It feels good na naging part ako. Sobrang continuous kong pinagpapasalamatan na this is a blessing for me and my husband,” bungad ni Kathleen.

Pansamantalang iniwan ng aktres ang show business noon dahil nagtapos siya ng kolehiyo. “I was actually also getting a little bit more projects but then kasi I finished college. So pagkatapos when you go like huminto ka pala, that’s when the time na kokonti din ‘yung projects,” pahayag ni Kathleen.

Wala pang anak ang aktres at sa 2016 pa raw nila planong bumuo ng pamilya ng asawa. Maraming mga payo raw ang ibinibigay ni Kristine kay Kathleen tungkol sa pagiging asawa at ina. “’Yung mga household chores, ganyan. I’m still starting so she’s always there. She teaches me about patience because her life, ang guidelines niya kay God. So she always tells me to be just be with God and you’ll be safe and you’ll be good,” kwento pa niya.  

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALIGN

ANG

DEREK

DEREK RAMSAY

KATHLEEN

KATHLEEN HERMOSA

KIRAY

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with