^

PSN Showbiz

Aktor at kilalang aktres na nagkabalikan, kumpirmadong hiwalay na uli

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isang UP Tourism graduate na taga-Vigan ang nagwaging Ms. Global Philippines 2015 na si Candice Ramos.

Siya ang magri-represent ng ating bansa sa Ms. Global na gaganapin dito sa atin.

Nasa pangalawang taon pa lamang itong Ms. Global at natutuwa ang producer ng Ms. Global Philippines dahil sa kanya ibinigay ang franchise na gagawin sa ating bansa ang international competition ng Ms. Global na gaganapin sa October 22 sa Solaire Theater.

Ang kaibahan nitong Ms. Global, tumatanggap sila ng mga kandidata na single moms.

Ngayong taon ay dalawang single mom ang kandidata nila at naniniwala silang kung may karapatan ang isang single mom na humanay sa mga naggagandahang kandidata, tanggap nila.

Sabi ng CEO at National Pa­geant Director ng Ms. Global Phi­lippines na si Pauline Sofia La­ping; “Kasi ang single mother has big responsibilities eh. Kasi our focus is empowering women, regardless what your status is.

“Kahit single mother kaya mo pa rin magsali and at the same time to raise children.”

PAK: Nahuli naming nagkakalabuan na ang aktor at ang kilalang aktres na girlfriend niya nang ikinuwento naming nasa worst-dressed itong girlfriend niya.

Sabi ni aktor; “Hayaan mo siya!”

Napangiti lang si aktor nang tinanong namin kung okay pa ba sila. Kilalang tahimik din si aktres pagdating sa lovelife niya, kaya mukhang waley na nga sila, pero tahimik lang sila at iniiwasan na nilang pag-usapan ito sa publiko.

BOOM: Hindi madiretso ni Jasmine-Curtis Smith na binasted niya si Brian Llamanzares.

Ang sabi lang niya; “I wouldn’t say that, but we’re friends.

“He understands were I’m co­ming from. He knows I’m very busy. We both know naman our priorities. Nag-usap naman kami.”

Naintindihan naman daw ni Brian na mas priority daw niya ngayon ang trabaho. Abala si Jasmine sa promo ng pelikula niyang Resureksyon na magsu-showing na sa September 23.

Aware rin si Jasmine na ang latest naman na nali-link sa ex-boyfriend niyang si Sam Concepcion ay si Myrtle Sarrosa na dating girlfriend naman ni Brian.

“What do you expect. In this industry, we have to work with each other.

“It depends on how professional you’ll take it. If you paint a different picture, then go ahead. Pero kung wala namang nangyayari, nothing to worry about,” reaksyon ng young actress.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRIAN LLAMANZARES

CANDICE RAMOS

GLOBAL

JASMINE-CURTIS SMITH

KASI

MS. GLOBAL

MS. GLOBAL PHI

MS. GLOBAL PHILIPPINES

MYRTLE SARROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with