^

PSN Showbiz

Jessy umiiwas muna sa gulo?!

- Pilipino Star Ngayon

Nabigo ang marami na makita’t makausap si Jessy Mendiola sa Star Ma­gic Ball. No show ito kaya hindi namalas ang first time nila na makitang magkasama ni JM de Guz­man dahil nababalitang nagkakalabuan na ang dalawa. Gusto rin sanang makita ng lahat ang magiging reaksyon ni JM ‘pag nagkita sila ni Enrique Gil na escort naman ni Liza Soberano.

Obvious na kinalimutan na ni Liza kung anumang tampo meron siya kay Enrique for calling her names dahil lasing ito at wala sa kanyang sarili. Aware ba siya na masamang malasing si Enrique? I’m sure na sa apology na ginawa ng batang aktor on TV ay kasama na siya sa hiningan nito ng sorry.

Umiiwas ba sa iba pang ka­guluhan si Jessy sa hindi niya pag­dating o tala­gang nawalan lamang siya ng gana na maging masaya gayung talaga namang hindi pa siya okay?

Yaya Dub maraming sightings

Pati ang batikang TV journalist na si Jessica So­ho ay nakigulo na rin sa kal­ye­serye ng Eat Bulaga na nagtatampok sa bago at phenomenal na loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Nakihanap na rin ito sa na-kid­nap na yaya ni Lola Nidora at tinangka pa sa pamamagitan ng kanyang programang Kapuso Mo, Jessica Soho na mas ma­ipakilala pa ang baguhan sa publiko.

Na-kidnap man si Yaya Dub ay nagkalat ang sightings niya! Nariyang kumakain sa pares house, nagkaka-kape, o ‘di kaya’y nagshu-shoot daw ng patalastas. Bunsod na rin ng pagiging mailap niya ngayon sa media, mas lalong naging misteryoso si Yaya Dub at nagresulta para mas tumataas ang interes ng publiko sa kanya. Matapos siyang pagtuunan ng pansin ng batikang TV host at journa­list, hindi masasabing nawala na ang pagkamisteryosa ng isa sa pinakasikat nga­yong maituturing na personalidad sa TV.

Beauty inilihim ang pagbubuntis kaya nawalan ng trabaho

Sayang naman at mawawala na sa Ningning si Beauty Gonzales. Walang choice ang produksyon dahil very obvious na ang kanyang pagbubuntis. Kung sinabi niya agad ito sa mga taong nasa likod ng programa ay baka nagamit pa sa serye ang pagdadalang tao niya. Tutal naman may asawa siya sa serye, pu­wede siyang nabuntis ni Ketchup Eusebio, pero masyado nang late ngayon para mabuntis siya kaya kailangang magkaro’n ng dahilan para mawala siya sa serye. Tsk. Tsk. Tsk.

Matagal kasing sabit sa mga show Eric Nicolas sisiw ang pangongopya kay Willie

Marami ang naiyak sa panalo ni Eric Nicolas sa unang sultada ng Your Face Sounds Familiar. Bakit naman hindi niya magagaya kahit nakapikit si Willie Revillame, eh may ilang panahon din siyang nagtrabaho sa mga prog­rama nito?

Kaya hindi lamang mga mannerism ng TV host ang nakuha niya kundi ma­ging ang boses nito at mukha na ikinaaliw ng lahat.

Natalo tuloy niya ang kapwa niya participants na sina Denise Laurel, Sam Concepcion, Kean Cipriano, Kakai Bautista, at Myrtle Sarrosa na magaga­ling din sa pag-impersonate. Baka next week ay bumawi sina Michael Pa­ngilinan at KZ Tandingan na nag-tie sa hulihan.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BEAUTY GONZALES

DENISE LAUREL

ERIC NICOLAS

NBSP

NIYA

SHY

SIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with