^

PSN Showbiz

Walang spark, Enchong at Samantha parang hindi magdyowa!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi naniniwala ang fans ni Enrique Gil na makakaapekto sa kanyang McDonald’s endorsement ang paglalasing at pagwawala niya sa London flight ng Philippine Airlines noong September 4. Sinabi ng fans ni Enrique na mauunawaan at tatanggapin ng McDonald’s management ang paliwanag ng kanilang idolo na tao lamang ito.

SCENE: Pinatay na kahapon ang karakter ni Beauty Gonzales sa Ningning at kumbinsido ang marami na buntis siya kaya tinanggal sa morning teleserye. Pansin na pansin ang pagtaba at pag-usli ng tiyan ni Beauty sa mga nakalipas na episode ng Ningning.

SCENE: Noong Linggo lamang muling nakita ang mukha ni Willie Revillame sa television station na iniwanan niya noong 2011.

SEEN: Ang bintang na nagpapakontrobersyal si Vice Ganda para mapag-usapan kaya sinadya niya na banggitin ang AlDub sa It’s Showtime noong Sabado.

SCENE: May last song syndrome ang Ikaw Ang Aking Mahal, ang kanta nina Maine Mendoza at Alden Richards sa kanilang McDonald’s TV commercial.

SEEN: Walang spark na nakita kay Enchong Dee at sa kanyang girlfriend na si Samantha Lewis nang dumalo sila sa Star Magic Ball noong Sabado.

SCENE: Si Meg Imperial at ang Japanese sex star na si Maria Ozawa ang leading ladies ni Cesar Montano sa Nilalang, ang official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG AKING MAHAL

BEAUTY GONZALES

CESAR MONTANO

ENCHONG DEE

ENRIQUE GIL

MAINE MENDOZA

MARIA OZAWA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with