^

PSN Showbiz

Ipinakilala ni Chavit Singson... Vina nakabingwit ng French BF!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pitong taon na ang nakalilipas nang huling magkaroon ng karelasyon si Vina Morales. Ngayon ay isang French na ang bagong kasintahan ng aktres. “I have a boyfriend na after seven years. I’m very happy. He’s really a nice guy. He’s my age and he’s very responsible,” nakangiting bungad ni Vina.

Noong una ay hindi raw alam ng lalaki na artista si Vina. “He was introduced to me by Governor Chavit (Singson). So siguro no’ng medyo nagkakakilala na kami with the group, doon niya na lang nalaman na I’m a celebrity,” kuwento ng aktres.

Kailan kaya naging opisyal na magkasintahan ang dalawa? “Bago pa lang kami,” matipid na sagot ni Vina.

Hindi raw masasabing long distance relationship ang ugnayan ng aktres sa kasintahan dahil dito na rin nakabase sa Pilipinas ang lalaki. Madalas lamang daw itong magbiyahe ng pabalik-balik sa ibang bansa.

Glaiza wala sa plano ang unang concert

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon na ng concert si Glaiza De Castro. Gaganapin ang Dreams Never End concert sa Music Museum sa October 3.

Wala raw talaga sa plano ng aktres ngayong taon na gawin ang nasabing concert. “Sa totoo lang, ‘yung pagkakaroon ng concert parang least talaga ‘yun sa mga gusto kong mangyari for this year eh. Actually wala nga sa list ko eh. Pero ‘yung support kasi ng mga fans or listeners, sobrang passionate nila na everytime na maggi-gig ako, sasabihin nila ‘Concert! Concert! Concert!’ na parang ‘Guys teka lang!’ Kasi feeling ko hindi pa time,” nakangiting kuwento ni Glaiza.

“Magtatapos ‘yung taon na ito na nakapag-share ako ng something personal sa mga fans. As a showbiz personality, part ng trabaho namin na as a public figure, laging nauungkat ang personal lives namin. Natutuwa ako na through my music nasi-share ko ang personal life ko,” dagdag ng aktres.

Ngayon ay abala na si Glaiza sa paghahanda para sa nalalapit niyang concert. “Medyo surreal pa rin hanggang ngayon. Kumbaga parang challenge rin siya in a way, nate-test ang character mo through all these process in preparation of the concert,” pahayag ni Glaiza.

Sobrang tutok daw ang dalaga sa bawat detalye ng gagawin para sa kanyang concert. “Kasi siyempre I really want to be involved in this. Hands-on talaga. From the concept to how the program would flow, to the songs that I would be singing that night. Talagang sobrang involved ako. Hopefully mag-manifest ‘yung message na gusto kong i-convey sa araw na ‘yun,” giit pa niya.

Sina Jay-R, Aiza Seguerra, Rhian Ramos, Kitchie Nadal, at Regine Velasquez ang magiging special guests ni Glaiza sa nasabing concert.

vuukle comment

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ANG

CONCERT

DREAMS NEVER END

GLAIZA

GLAIZA DE CASTRO

GOVERNOR CHAVIT

KASI

KITCHIE NADAL

MUSIC MUSEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with