^

PSN Showbiz

Pasion de Amor mas iinit pa sa pagsisimula ng bagong kabanata

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na tinatangkilik sa buong bansa ang local adaptation ng ABS-CBN ng worldwide telenovela sensation na Pasion De Amor tampok ang maiinit na tambalan nina Jake Cuenca at Arci Munoz, Ejay Falcon at Ellen Adarna, at Joseph Marco at Coleen Garcia. 

Nanatili itong nasa Top 5 na weekday programs na pinakapinapanood sa bansa base sa datos ng Kantar Media, at nasa top 5 din na pinakatinututukan ng netizens online sa video-on-demand service na iWant TV. 

Noong nakaraang Lunes (Sept. 7), wagi pa rin ito sa national TV rating na 23%.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko kung kaya’t magbubukas ang panibagong kabanata sa buhay ng mga Samonte. Humanda na sa pagbaliktad ng kanilang mga mundo dahil ang dating inaapi ay babangon na ngayon at magkakaroon ng kapangyarihan.

Kasabay nito ay ang pagpasok din ng mga panibagong karakter na sina Eduvina, Maryo, at Elle na gagampanan nina Pilar Pilapil, Pen Medina, at Kazel Kinouchi. Ano kaya ang magiging papel nila?

Hindi pa riyan nagtatapos ang mga pasabog dahil ang babaeng puno’t dulo ng galit at paghihiganti nina Juan, Oscar, at Franco ay magbabalik na. Paano nga ba nakaligtas si Gabriela (Teresa Loyzaga) mula sa pagkakahulog sa bangin? Sa kanyang pagbabalik, ano’ng kasamaan ang idudulot niya sa magkakapatid? Paano siya tatanggaping muli ng mga anak na sina Norma, Sari, at Jamie?

 

vuukle comment

ANG

ARCI MUNOZ

COLEEN GARCIA

EJAY FALCON

ELLEN ADARNA

JAKE CUENCA

JOSEPH MARCO

KANTAR MEDIA

KAZEL KINOUCHI

PAANO

PASION DE AMOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with