^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn parang ikakasal sa all-white na suot sa Star Magic Ball

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

For six consecutive years ay walang ka-date ang Fil-Am singer-actor na si Sam Milby sa ika-9th year ng Star Magic Ball na ginanap sa Rizal Ballroom ng Shangri-La Hotel – Makati. 

Ganunpaman, siya ang itinanghal na Male Star of the Night habang si Julia Montes naman ang itinanghal na Female Star of the Night. Ang rumored sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim ang itinanghal na Couple of the Night habang nakuha naman nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang Best Dressed Couple na parehong all-white ang suot at parang ikakasal, at ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones naman ang napiling Fabulous Pair of the Night.

Wala ring ka-date si Piolo Pascual at kasama nito ang kanyang anak na si Iñigo Pascual.  Kasama naman ni Gerald Anderson ang kanyang pamangkin habang si Jodi Sta. Maria ay ang anak nitong si Thirdy ang ka-date sa halip na ang kanyang kasintahang si Cavite vice-governor Jolo Revilla ang kasama.

Pinatingkad ng iba’t ibang mga fashion desig­ners (here and abroad) ang mga kasuotan ng Kapamilya stars.

Showbiz ex-couple, ‘di nabiyayaan ng anak dahil laging walang gana si mister

Marami ang nagtaka kung bakit hindi nagkaroon ng anak ang ex-couple na ito considering na matagal silang nagsama bilang mag-asawa bago sila nagkahiwalay. Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkuwento sa amin na hindi nga mabubuntis ang dating misis ng isang sikat na personalidad dahil parati umanong walang gana si mister pagdating sa kanilang bahay dahil may iba umano itong siniserbisyuhan.

Kilala ang male personality sa pagiging pabling laluna noong ito’y binata pa. 

Ganunpaman, nanatili ang kanilang pagsasama ng kanyang misis na isa ring celebrity hanggang mapagdesisyunan nila ang maghiwalay.

Ang male personality ay may mga anak sa ibang babae habang ang kanyang dating misis ay may anak na rin sa mister nito ngayon kaya hindi masasabi na may diperensiya ang female personality.

May kani-kanya nang buhay ngayon ang da­ting mag-asawa pero nananatili silang magkaibigan hanggang ngayon.

Ahwel Paz tuluy-tuloy ang pagtulong sa kasamahan sa media

Gusto naming i-commend ang noble cause na ginagawa ng entertainment radio anchor na si Ahwel Paz na nagpapa-medical mission para sa mga taga-entertainment media sa tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan na tatlong taon na niyang ginagawa.

Kahapon, araw ng Linggo ay ginanap ang ikatlong taon ng medical mission ni Ahwel for the entertainment media na gina­nap sa De Los Santos Medical Center in Quezon City kung saan mara­ming taga-media ang nag-avail. This is his own way of sharing his continued blessings na tinatanggap mula sa Itaas lalupa’t nag­simula rin sa wala si Ahwel bago niya narating ang kanyang tagumpay ngayon.

“Marami sa ating mga kasamahan sa entertainment media ang walang HMO o health cards.  Ma­rami rin sa kanila ang walang Philhealth at alam naman natin kung gaano kamahal ang mga laboratory tests kaya ginawa ko na itong adbokasiya, ang magkaroon ng annual medical mission para sa mga kasamahan natin sa trabaho,” paliwanag ng co-anchor ni Jobert Sucaldito sa kanilang nightly showbiz talk show on radio sa DZMM, ang Mismo.

More than availing the medical services, pumun­ta kami para suportahan ang napakagandang adbokasiya ni Ahwel na sa susunod na taon ay puwede nang maka-avail ang pamilya ng mga taga entertainment media.

May your tribe increase, Ahwel.

Beauty nabuntis daw talaga, lalayasan na ang Ningning!

May mga lumilitaw na balita na buntis umano ngayon ang ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate at isa sa mga bituin ng morning TV series na Ningning na si Beauty Gonzales at ito umano ang dahilan kung bakit siya nag-quit sa kanyang tumatakbong serye.

Non-showbiz ang boyfriend ni Beauty at wala pa ring official statement na inilalabas ang kampo ni Beauty tungkol sa lumalabas na balita na may kinalaman sa kanya umanong pagbubuntis. 

Kung ito’y totoo, sayang naman ang napakagandang break na ipinagkatiwala kay Beauty ng kanyang home studio.

Pero kung totoo nga ang balita na siya’y buntis kaya siya nag-quit sa Ningning, wala naman talagang choice si Beauty kundi ang umalis sa kanyang serye dahil hindi naman nito maitatago ang kanyang kundisyon laluna sa paglaki ng kanyang tiyan.

 

vuukle comment

ACIRC

AHWEL

AHWEL PAZ

ANG

BEAUTY GONZALES

COUPLE OF THE NIGHT

DANIEL PADILLA

KANYANG

MGA

NAMAN

NINGNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with