^

PSN Showbiz

Game of Thrones star na si Nathalie Emmanuel, darating sa bansa! Jessy inuudyukang ituloy ang demanda kay Enrique

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagamit si Liza Soberano sa public apology ni Enrique Gil dahil puwedeng hindi na siya kasama sa video ng paghingi ng paumanhin ng aktor na nalasing at gumawa ng eksena sa London flight noong September 4.

SCENE: Hinahanapan ng paliwanag ang crew ng Philippine Airlines dahil hindi nila ni-report ang unruly behavior ni Enrique Gil sa London flight. Pinagbibintangan ang airline crew na binigyan ng special treatment si Enrique dahil mga dating empleyado ng PAL ang kanyang mga magulang.

SEEN: Inuudyukan ang nanay ni Jessy Mendiola na ituloy ang demanda nila laban kay Enrique dahil patuloy na hina-harass ang kanyang anak ng fans ng aktor. Masakit sa kalooban ng ina ni Jessy na binastos na nga ang anak niya, ito pa ang kinukuyog at sinisiraan ng blinded fans ni Enrique.

SCENE: Nasaktan si Alden Richards nang pagkaguluhan at dumugin ng fans sa mall show niya sa isang bayan sa Cavite noong Biyernes. Imbes na ma-guilty sa kanilang ginawa, nagsalita  ang mga nanggigil na fans na hindi naman nila kakainin si Alden.

SEEN: Ang attempt na siraan si Maine Mendoza dahil sa reklamo na sup­lada siya sa fans na hindi nagtagumpay at kabaligtaran ng  kumalat na video na siya mismo ang nakiusap sa Eat Bulaga security personnel na pa­ya­gan ang mga tagahanga na makalapit sa kanya.

SCENE: Dapat alagaan ng direktor na si Dominic Zapata ang mga ang­gulo ni Megan Young sa MariMar dahil may mga unflattering shot ang former Miss World na kontra sa very telegenic at nagmumura na kaguwapuhan ni Tom Rodriguez sa mga eksena nito.

SEEN: Malaki na ang improvement ng acting ni Albie Casiño sa On The Wings of Love at bagay sa kanya na palaging ngumingiti sa mga eksena niya sa top rating teleserye nina James Reid at Nadine Lustre.

SCENE: Darating sa Pilipinas ang Game of Thrones star na si Nathalie Emmanuel dahil special guest siya sa 1st AsiaPop ComiCon Manila na gaganapin sa World Trade Center sa September 17-20.

vuukle comment

ACIRC

ALBIE CASI

ALDEN RICHARDS

ANG

DAHIL

DOMINIC ZAPATA

EAT BULAGA

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

MGA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with