^

PSN Showbiz

Paulo aligagang pag-usapan ang pagkakaayos nila ni KC!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tila ini-enjoy naman ng singer/politician na si Alex Castro ang isyung panghihipo sa kanya sa pagrampa niya sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash.

Kabilang si Alex sa pelikulang Resureksyon ng Regal at Reality Films na magsu-showing na sa September 23, kaya itong isyu pa rin ang natatanong sa kanya sa nakaraang presscon ng naturang pelikula.

Sabi naman ni Alex, hindi na raw big issue sa kanya iyun. Naisip lang daw niyang i-tweet nung pagkatapos ng event at may ipinarating din siya sa bading na nanghipo sa kanya na huwag na ito maghugas ng kamay.

Saad ng singer/politician; “May naglabas na po kasi ng video na iyun, kaya nag-react na lang ako na pabiro. Kaya hindi naman po masyado isyu sa akin ‘yun.

“Hindi ko naman po masyado ginawang big deal. Wala eh. Ganun talaga. Hindi ko na kailangang palakihin pa.”

Hindi naman daw niya isinisisi iyon sa mga taga-Cosmo. Kung mabibigyan daw siya uli ng isa pang pagkakataon na rumampa, gagawin pa rin daw niya, pero mag-iingat na lang daw siya.

PAK: Narinig naming pinag-uusapan ng ilang staff ng programa ni actress/TV host kung gaano na raw ito kasungit sa mga tao niya.

Love pa rin naman nila si actress/TV host pero napapansin lang daw nilang sungit-sungitan na ito dahil sa masakitin na siya.

Minsan daw ay may inutusan siyang staff na bigyan siya ng platito.

Umasim ang mukha ni actress/TV host nang ibinigay sa kanya dahil ang ibinigay na platito ay ‘yung pinapatungan ng tasa ng kape.

Ipinatawag niya si staff at ipinaliwanag na ang platitong may bilog sa gitna ay patungan ng tasa. Hindi naman daw siya magkakape at iba ang paggagamitan ng platito kaya dapat yung walang bilog sa gitna. Sabay irap pagkatapos niya itong ipinaliwanag sa staff.

Oo nga pala, dalawang klase pala ang platito, isang may bilog sa gitna at isang plain lang.

BOOM: Sa presscon pa rin ng pelikulang Resureksyon, pinutakti ng tanong si Paulo Avelino tungkol sa insidenteng nangyari sa eroplano kung saan nagwala umano si Enrique Gil pagkatapos nitong malasing.

Ang unang lumabas na kuwento ay sina Paulo at Jake Cuenca raw ang nagpainom kay Enrique.

Ayon kay Paulo, fabricated daw ang mga nasulat sa isang blog kaya hindi na lang daw nila pinapansin.

Hindi pa rin naman daw sila nagkausap ni Enrique, pero ang payo niya sa young actor; “Live life. Learn from your mistakes. Just go on with life.”

Mas masaya na siyang pag-usapan ang tungkol sa pagkakabati nila ni KC Concepcion sa London.

Nagkausap daw sila dun at okay naman daw.

“Ayos naman talaga from the start. Tahimik lang talaga,” pakli ni Paulo.

vuukle comment

ACIRC

ALEX

ALEX CASTRO

ANG

COSMO BACHELOR BASH

DAW

ENRIQUE

HINDI

NAMAN

PAULO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with