^

PSN Showbiz

Nag-trending pa worldwide Most Kilig Night nina James at Nadine waging-wagi sa ratings

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Painit na nang painit ang On the Wings of Love fever sa buong bansa sa patuloy na pagpapakilig ng JaDine love team nina James Reid at Nadine Lustre sa TV viewers gabi-gabi sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN.

Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Miyerkules (Setyembre 9) kung kailan humataw ang ‘Most Kilig Night’ episode ng teleserye ng national TV ratings na 22.9%, o halos siyam na puntos na kalamangan kumpara sa nakuha ng katapat na programa.

Dahil sa apaw-apaw na saya at kilig ng On the Wings of Love fans, nakakuha ng mahigit 1.7 milyong mentions ang hashtag na #OTWOLMostKiligNight sa Twitter, dahilan para maging bahagi ito ng worldwide at nationwide trending topics ng microblogging site.

Samantala, bagama’t hindi natuloy ang pinakahihintay na halik nina Clark (James) at Leah (Nadine), sinabi ng isa sa mga direktor ng On the Wings of Love na si Antoinette Jadaone na dapat abangan ng mga manunuod ang susunod na mangyayari sa love story ng dalawa.

“Minsan, may mga bagay na kailangang hintayin nang matagal para kapag nakuha mo na sa wakas, mas masarap,” pahayag ni Direk Antionette sa kanyang official Twitter account.

Aaminin na nga ba nina Clark at Leah ang tunay nilang nararamdaman para sa isa’t isa? O patuloy ba nilang itatago ang kanilang damdamin dahil sa panga­ko nila kay Jack (Cherry Pie Picache) at Jigs (Albie Casiño)?

Huwag palampasin ang nakakikilig na kuwento nina Clark at Lea sa On the Wings of Love gabi-gabi, pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN Primetime Bida.

vuukle comment

ACIRC

ALBIE CASI

ANG

ANTOINETTE JADAONE

CHERRY PIE PICACHE

DIREK ANTIONETTE

JAMES REID

KANTAR MEDIA

LEAH

MOST KILIG NIGHT

ON THE WINGS OF LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with