^

PSN Showbiz

Bahay na titirhan nila, tinatapos na rin Vic kinumpirmang bago mag-Chinese New Year ang kasal nila ni Pauleen

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Medyo emotional si Ken Chan nang nakausap namin sa presscon ng Destiny Rose kung saan ilu­lunsad siya bilang bida sa bagong afternoon drama ng GMA 7.

“Dati kasi kapag presscon sa tabi lang ako nakaupo. Wini-wish ko rin na sana sa gitna naman ako naupo tapos tinatanong.

“Dinadasal ko naman lagi ‘yan, at dininig ni Lord ang matagal ko nang dasal. Basta sabi ko lang, a­yusin lang ang trabaho, ibibigay talaga sa ‘yo ng Diyos ‘yan,” masayang pahayag ni Ken.

Sa September 14 na magsisimula ang Destiny Rose, pero hindi pa muna mapapanood ang girl na ayos ni Ken.

Kaya hindi muna sila naglalabas ng mga kuha ni Ken na nakaayos girl para surprise, dahil ibang-iba talaga ang hitsura niya kapag nakaayos girl na siya.

PAK: Nagbitaw ng statement si AiAi delas Alas na magpapakasal na rin daw siya ngayong nakatakda na palang ikasal si Vic Sotto.

Nasa Amerika raw siya nung pumutok ang balitang engaged na sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, kaya kaagad na tinext daw niya ang Eat Bulaga host.

Kuwento ni AiAi; “Tinext ko siya, nasa New York ako. Tinext ko.

“Sabi ko Bossing totoo ba tong nabalitaan ko na ikakasal ka na, engaged ka na? Panu ‘yan idol kita. ‘Di ba sabi ko ‘pag hindi ka kinakasal, hindi rin ako magpapakasal?

“Paano ngayon ‘yan, magpapakasal ka, eh ‘di ibig sabihin magpapa­kasal na rin ako ulit?

“Sabi ‘nya ‘ilang beses ka na ba nagpa­kasal? Sabi ko Bossing flop ‘yung dalawa.”

Tawa nang tawa si AiAi nang nakatsikahan namin sa story conference ng pelikula nila ni Bossing Vic na My Bebe Love dahil kinukulit pa nito si Bossing na abay siya sa kasal nito.

Sabi lang sa kanya ni Bossing Vic, mag-shooting daw muna sila.

BOOM: Ayaw pa munang magbigay ni Vic Sotto ng date kung kailan ang kasal nila ni Pauleen Luna, pero natatawa na lang daw siya sa mga naglalabasang balitang baka November o December daw ang kasal.

Sabi ni Bossing, imbitado naman daw ang media kung sakaling magpakasal na sila. Kaya ia-announce naman daw nila kung kailan talaga.

Hindi niya masabi kung kailan ang exact date, o kung totoong bago matapos ang taong ito. Basta ang sabi lang niya, bago raw dumating ang Chinese New Year.

Hindi naman itinatanggi ni Bossing ang tsikang may bahay na silang pinapatayo para tirhan nila ni Pauleen pagkatapos ng kasal.

“Siyempre, saan kami titira kung wala kaming bahay?” pakli nito.

Under construction pa raw ito, at marami pa raw aayusin.

“Hindi pa, Tinatayo pa, matagal na namin i­naayos,” tipid na sagot ni Bossing Vic sa storycon ng filmfest entry nilang My Bebe Love.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOSSING

BOSSING VIC

BOSSING VIC SOTTO

CHINESE NEW YEAR

DESTINY ROSE

MY BEBE LOVE

PAULEEN LUNA

SABI

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with