^

PSN Showbiz

Heneral Luna puro papuri ang natatanggap

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Sana mapanood ko ang Heneral Luna na madalas kong mabalitaan na parang pagkaganda-ganda dahil sa maraming papuri na naririnig ko tungkol dito. Si John Arcilla ang title role at sa direksyon ito ni Jerrold Tarog. Napaka-extensive raw ng research nito kung kaya hindi lamang kaalaman tungol sa bayaning si Heneral Luna ang mababatid ng lahat ng manonood ng movie kundi ang kasaysayan ng bansa. Nood na tayo!

Dennis at Jennylyn inilalantad na ang relasyon

Unti-unti nang lumalabas ang totoong relasyon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Kundi man sa kanilang mga bibig nanggagaling ang pag-amin, nababasa naman ito sa kanilang mga social media account.

Kaya happy ang followers nila. Nakabanaag na sila ng pag-asa sa relasyon ng dalawa na pilit nilang itinatanggi

Ken kailangang mapantayan ang galing ni Miggs

Hindi lang si Ken Chan ang mapapansin sa bagong serye ng Kapuso Network na Destiny Rose kundi maging ang child performer na si Miggs Cuaderno. Kung gustong magpa-impress ni Ken, kailangan niyang tapatan ang kapuri-puring akting ni Miggs. Siyempre, hindi gugustuhin ni Ken na mapataob ng isang batang artista, noh!

Buboy Villar bibida Entertainment writer nagdidirek na rin ng pelikula

Masayang ibinalita ng kasamahan kong kolumnista dito sa Pilipino Star NGAYON (PSN) na si Vero Samio na direktor na rin ng movie ang kasamahan niya sa Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na si Ronald Rafer. May ginawa itong movie para sa Glori Phipps Production na may pamagat na Pipamyalungan (Playground) starring Buboy Villar, Althea Vega, Lance Raymundo, Kate Lapus at introducing si Jaivy Phipps. Isang advocacy film ito ng isang miyembro ng entertainment press na ikinatutuwa ni Vero na maabot ng kasamahan niya.

vuukle comment

ALTHEA VEGA

ANG

BUBOY VILLAR

DESTINY ROSE

GLORI PHIPPS PRODUCTION

HENERAL LUNA

JAIVY PHIPPS

JENNYLYN MERCADO

JERROLD TAROG

JOHN ARCILLA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with