^

PSN Showbiz

Kanta nina Angelica at Glaiza, may Italian version na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Siguradong ikatutuwa ni Angelica Panganiban na ang collaboration nila ni Glaiza de Castro ng song na Barcelona na kasama sa album na Synthesis ay ginawan ng Italian version ng nagpakilalang si Regal Claire.

Nalaman tuloy na maraming fans sa Italy si Glaiza at sa ibang parte ng mundo dahil sa The Rich Man’s Daughter. Nabanggit ni Glaiza na dream niyang mai-record ang Barcelona in different languages, kaya may nag-request na gawan niya ng version in German, Korean, Arabic, Portuguese at iba pa.

Kaya namin nabanggit si Angelica dahil siya ang nag-compose ng song, pero si Glaiza ang tumapos, naglapat ng lyrics, at isinama sa kanyang hit album.

Siguradong isasama ni Glaiza sa repertoire ng kanyang Dreams Never End concert sa Music Museum sa October 3 ang Barcelona. Ang hintayin ng audience ay kung kakantahin ni Glaiza ang song in Italian.

Guests sa concert ni Glaiza sina Regine Velasquez, Jay-R, at Aiza Seguerra. Request ng fans na isamang guests sina Rhian Ramos, Chynna Ortaleza na nakasama niya sa TRMD na kumakanta rin at pati na si Angelica.

Si Rico Gutierrez ang director ng Dreams Never End at si Glaiza rin ang producer nito gaya ng kanyang Synthesis album.

Jackielou enjoy na enjoy sa pagiging ‘Wowa’

Kahit walang kontrata sa GMA 7, ang network ang kinu-consider ni Jackielou Blanco na home network niya.

Nang tanggapin ang Baker King ng TV5, nagpaalam siya sa GMA 7 at nang mawala ang karakter, bumalik siya uli sa Siyete na ngayon ay kasama sa cast ng Afternoon Prime na Destiny Rose na magsisimula sa September 14, after The Half Sisters.

Bilang si Dahlia na ina ni Katrina Halili, hindi pa masabi ni Jackielou kung mabait o kontrabida ang karakter niya. Ang alam pa lang niya, naiinggit siya sa half sister na si Manilyn Reynes dahil mas mahal ito ng kanilang ama.

Samantala, lola na si Jackielou sa three-year-old niyang apo na si Ethan na anak ng panganay nila ni Ricky Davao na si Kenneth. She was 48 years old nang maging lola and now at 51 years old. Pero ayaw nitong patawag na Lola o Mamita dahil ito na ang tawag sa inang si Pilita Corrales ng mga apo. “Wowa” ang tawag sa kanya ng apo na masarap daw alagaan.

Jeric gusto pa rin maging bading

Ayaw sabihin ni Ken Chan kung sino ang mga nakasabay niyang nag-audition sa role ni Joey na makikilalang si Destiny Rose sa bagong soap ng GMA 7 na Destiny Rose. Nahihiya itong pangalanan ang mga nakasabay mag-audition, pero hindi pinalad dahil siya ang napili sa role ng isang transwoman.

Sa iba namin nalaman na kabilang sa mga nag-audition sa nararamdaman naming pag-uusapang role at soap ay sina Kiko Estrada at Jeric Rosales. Parehong hindi pinalad ang dalawa dahil na rin siguro sa malalaki ang katawan at talagang mukhang lalaki.

Pero si Jeric, isinama pa rin sa Destiny Rose, kaya malaki ang pasasalamat na after Pari ‘Koy, ay may bago na naman siyang soap sa Kapuso Network. Given the chance, gusto pa ring gumanap na beki ni Jeric dahil sa challenges na bigay ng role.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

AIZA SEGUERRA

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BAKER KING

DESTINY ROSE

DREAMS NEVER END

GLAIZA

JACKIELOU

JERIC

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with