^

PSN Showbiz

Para raw hindi misis... Actress na nakapangasawa ng mayaman, todo ang pagdi-display ng umbok sa social media

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maraming naiintriga kung bakit kailangan pang magpa-sexy ng husto sa kanyang social media account ang isang actress/beauty queen na nakapangasawa ng super yaman. Ang ilang nakikiususyo sa kanyang mga post ang nakukunsumi sa kanyang ginagawa lalo na sa kanyang Instagram posts, parang hindi raw may asawa ang kanyang ginagawang activities. At lalong parang hindi raw siya isang ina sa sobrang pagpapa-sexy. Lagi siyang may kuhang naka-two piece at nasa beach na parang kung normal kang may asawa hindi mo gagawing ibandera sa followers mo sa social media ang video na naka-two piece at bakat ang umbok sa harapan. Meron din siyang photo na parang nakabukaka.

Saka bakit daw bibihira niyang i-post ang photo ng kanyang hubby?

Ang mga katulad niya ang nagbibigay ng dahilan para punahin sila dahil sa kaartehan na ibandera ang kanilang katawan kahit may asawa’t anak na.

Hindi raw nagpapakadisente at ilagay ang sarili sa tamang posisyon.

Mother Lily na-dengue

Na-dengue pala si Mother Lily Monteverde. Yup, kasalukuyan siyang naka-confine sa isang hospital.

Wala talagang pinipili ang dengue. Nasa lugar na pinupuntahan ng kahit sino, mayaman o hindi masyado.

Maaalalang si KC Concepcion ay na-dengue rin.

Sunud-sunod pa naman ang pelikulang ipalalabas ng Regal Films kaya siguradong hindi mapakali si Mother Lily sa hospital.

Mga kakandidatong senador nagwawaldas na

Nakaka-bother ang infomercial ng isang kakandidatong senador. Sa AM radio pa lang, nakakasawa ang kanyang paalala na namimigay siya ng mga notebook at nagbibigay ng scholarship sa mga kabataan sa kanyang bayan.

Siya ba ang nagbigay noon o baka naman dumaan lang sa kanya pero buwis ‘yun ng bayan?

Kasi alternate ang pag-ere ng kanyang infomercial sa DZMM at DZBB sa pang-umagang slot.

Eh mahal ang bayad nung ganun ‘di ba.

At hindi lang ‘yun, sa TV meron ‘din siya.

May isa pang kakandidatong senador na may informercial sa TV na ang ibinibida naman ay naibalik agad ang eskuwelahan sa kanilang lugar. Eh ‘yun palang eskuwelahan na ‘yun ayon sa narinig ko sa programa ni Ted Failon, pag-aari ng pamilya ni pulitiko kaya hindi puwedeng ideklara na ibinalik niya sa kanyang mga kababayan.

Sa susunod na taon pa ang eleksiyon ha pero kaloka dahil ngayon pa lang ay hataw na ang mga kakandidatong senador sa pagpapakilala sa kanilang sarili.

Claudine at Raymart pina-practice ang uncoupling, ginagaya sina Gwyneth Paltrow at Chris Martin

Ayos na ayos na nga ang relasyon ng dating mag-asawang Raymart Santiago and Claudine Barretto. Ang ebidensiya rito ay ang mga pinu-post nilang photo na magkasama with their kids – Sabina and Santino.

Kaya naman open na rin uli si Claudine na pag-usapan ang nangyari sa kanilang mag-asawa na umabot pa sa demandahan noon.

Ayon sa actress, rebound kasi ang naging relasyon niya sa actor na pinakasalan noon matapos ang nangyari sa kanila ni Rico Yan na namatay naman sa Palawan nang mag-guest siya sa episode ng Kris TV kahapon.

Kaya ngayon daw ay sinusubukan na nila ang ‘uncoupling’ para sa kanilang mga anak.

“Para sosyal, ‘di ba? ‘Yun ang ginagawa namin. We have to make decisions about the children as a family pa rin.

“Kami lang talaga ni Raymart tapos ‘yung counselor namin. I think around two, three weeks ay magta-try kaming mag-counselling for that uncoupling thing na ‘yan.

“Here in the Philippines nakikita namin kapag parang magkahiwalay na kayo, eh magkagalit na kayo. Eh ‘di naman dapat ganoon. You always have a relationship for your kids,” paliwanag niya.

Ang uncoupling ay ‘pinasikat’ ni Gwyneth Paltrow nang makahiwalay niya ang asawang si Chris Martin ng Coldplay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHRIS MARTIN

CLAUDINE

GWYNETH PALTROW

HINDI

KANYANG

KAYA

MGA

MOTHER LILY

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with