^

PSN Showbiz

Kris suko na sa pang-iintriga at pang-uurirat sa bahay nang may bahay?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

For sure, marami na naman ang magri-react sa ginawang pagdalaw ni QC Mayor Herbert Bautista kay Kris Aquino sa set nito ng Etiquette For Mistresses. Patapos na ang shoot ng movie at kung papalarin ay baka maisunod na agad ng presidential sister ang shooting naman ng kanilang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 movie ng pulitiko na Mr. & Mrs. Split na nalalagay sa alanganin dahil sa pagkakasakit ni Kris.

Hindi naman siguro inimbita ni Kris si Mayor Herbert dahil umiiwas na ito sa intriga. Pero marami ang naniniwala na baka mabuhay muli ang damdamin na pilit niyang pinapatay para sa ama ng lungsod. Kapag nangyari ito ay panibagong problema na naman ang kakaharapin ng Queen of All Media matapos maitsapwera sa pilian sa pagitan nila ng anak ni Mayor tulad ng nangyari dati. Wala nang problema sa ina ng mga bata dahil sinukuan na niya ang ugnayan nila ni Mayor.

Pero wala namang dapat ipag-react ang marami dahil friendly visit lang ang ginawa ni Mayor Herbert kaya marahil hindi na ito ipinost ni Kris sa kanyang Instagram (IG) account.

Samantala, malapit na ring matsugi ang Kris TV. Sayang kung totoo ang balita dahil maganda ang pang-umagang programa na hindi lamang nagbibigay ng latest news tungkol sa mga artista kundi nagtatampok din sa mga bahay nila.

Ginagawa ring dahilan ni Kris Aquino ang pagpas­yal sa mga bahay ng mga artista para maipakita niya ang kahusayan nila sa pagluluto. May mga restaurant din silang pinupuntahan para mai-promote at mabig­yan ng inspirasyon ang manonood kung paano i-invest ang kanilang pera.

Sayang kung mawawala ang Kris TV. Pero kung talagang kailangan ni Kris magbawas ng trabaho para sa kanyang kalusugan, wala namang choice. Ngayon na ang pagkakataon ng kanyang mga kalaban na malamangan siya, ngayong mawawala na ang programa niya.

Derrick pinaunlad ang sarili

Patuloy si Derrick Manasterio sa pagpapaunlad ng kanyang sarili. Kung makikita n’yo siya ngayon ay talagang kaiinggitan siya ng maraming kasamahan at kasabayan niyang Kapuso sa pagpapaganda ng kanyang pangangatawan. Meron na siyang six pack abs na inirampa sa Cosmo Bash. Idagdag mo pa sa talento niya sa pag-arte at meron ka nang isang potensyal na heartthrob.

Gumagawa na rin siya ng recording sa GMA Records. Napigilan na rin ng network ang plano niyang paglipat sa pamamagitan ng isang bagong serye sa TV. Patuloy pa rin siya sa kanyang pag-aaral ng Legal Management sa San Beda College.

Nora masaya sa kasikatan ni Alden

Hindi lamang ang mga manonood at followers ng Eat Bulaga ang umiikot ngayon ang mga ulo sa Kapusong si Alden Richards. Maraming kapwa niya artista ang masaya sa tinatamasa ni­yang kasikatan ngayon. Isa na rito ang Superstar na si Nora Aunor na na­­katrabaho si Alden sa isang pelikula.

May ginawa ring movie si Nora na intended for Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015, pero hindi ito pinalad na makasama sa Top 8 katulad ng Conman nina Erik Matti at Dondon Monteverde with John Lloyd Cruz in the lead. Umaasa si Nora na may milagrong maganap para makasali ang Kabisera sa Pista ng Pelikula.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

KRIS

KRIS AQUINO

MAYOR HERBERT

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MGA

NBSP

NORA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with