^

PSN Showbiz

Melai Cantiveros sa concert niya: ‘Maski ako hindi makapaniwala’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aminado si Melai Cantiveros na hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng concert ngayong buwan.

“Maski ako hindi makapaniwala, e,” sabi ni Melai. “Ang motto ko po kasi sa buhay, don’t expect. So ngayon hindi ko po talaga in-expect kaya ngayon nagkaro’n na ako ng concert.”

Sinabi ni Melai na magiging masaya ang kaniyang concert dahil hindi lamang ito puro kantahan dahil patatawanin din niya ang mga manonood.

Naniniwala ang Kapamilya star na malaki ang naging epekto ng kaniyang pagkakapanalo sa “Your Face Sounds Familiar” hindi lang upang magkaroon ng concert, ngunit maging sa kaniyang pang-araw-araw.

“Nabago ang aking financial,” she honestly said. “Grabe talaga ang pagkabongga ng raket. Grabe talaga ang mga raket.”

Gagawin ang kaniyang “Melai Mo Mag-concert” sa Setyembre 18 sa Teatrino in Greenhills, San Juan.

Ilan sa kaniyang mga guest ay sina Alora Sasam at Nyoy Volante, habang may mga sorpresa rin siya.

Samantala, magiging host din si Melai sa second season ng “Your Face Sounds Familiar,”  kung saan kasama niya si Billy Crawford.

Ngayong buwan din eere ang naturang show sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

ACIRC

ALORA SASAM

ANG

BILLY CRAWFORD

GRABE

MELAI

MELAI CANTIVEROS

MELAI MO MAG

NYOY VOLANTE

SAN JUAN

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with