^

PSN Showbiz

Naging kapalaran ni Rufa Mae dapat katakutan ng mga mahilig magpagalaw!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dapat maging warning na rin sa mga kababaihan na mahilig magpa-enhance sa kanilang mukha at katawan ang naranasan ng sexy Kapuso star na si Rufa Mae Quinto na na-trauma sanhi ng ginawang procedure sa kanya ng isang kilalang doctor (na ayaw pa niyang pangalanan).

Karapatan ng isang babae ang gusto niyang gawin sa kanyang mukha at katawan lalo na kung kaya naman niya itong gawin financially. Pero ang hindi nila minsan iniisip ay ang magiging effect at reaction ng kanilang katawan sa iba’t ibang procedure lalo na ang operasyon.

Sa totoo lang, nakakatakot ang ipinost ni Rufa Mae dahil aakalain mo na pinagbubugbog siya.

Pasko nina Dingdong at Marian kakaiba ngayong taon!

May naisip nang pangalan sa kanilang magiging first baby sina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera pero ayaw pa nila itong i-share sa ngayon.

Excited na ang mag-asawa dahil ito ang una nilang Pasko bilang mag-asawa at may karagdagan sa pamilya dahil nakatakdang manganak si Marian ngayong Nobyembre.

Ngayong may sarili nang pamilya si Dingdong ay lalo siyang inspired sa kanyang trabaho at negosyo para sa kinabukasan ng kanyang mag-ina. Hindi pa man lumalabas ang unang baby ng mag-asawang Dingdong at Marian ay nakikini-kinita na ng publiko kung gaano ito kaganda paglabas.

Sino kaya ang kamukha, si Dingdong o si Marian? O baka naman hati sa dalawa?

Yaya Dub hindi basta-basta ang background

Hindi puwedeng tawaran ang background ni Yaya Dub dahil nag-aral siya ng elementary sa St. Paul College sa Sta. Maria, Bulacan at high school naman sa St. Paul College sa Bocaue, Bulacan at nagtapos siya ng Culinary Arts sa College of Saint Benilde ng De la Salle University kung saan nakapag-OJT siya sa New York, U.S.A.

Samantala, patuloy ang pag-asam ng AlDub fans na magkakagustuhan ang dalawa sa tunay na buhay lalupa’t alam naman ng lahat na loveless pa rin hanggang ngayon si Alden at ganundin naman si Maine.

Gary Garcia hindi pa rin nakakalimutan ang ‘Pinas

Kahit ulila nang lubos sa mga magulang at kapatid ang dating actor na si Gary Garcia na naka-base na ngayon sa Amerika with his own family, gusto pa rin niyang bumisita at magbakasyon sa Pilipinas every once in a while para makita ang kanyang maternal grandma, mga kamag-anak at mga kaibigan in and out of showbiz.

Kamakailan lamang ay dumating sa bansa si Gary to bury his mom, ang veteran actress na si Lucita Soriano na dito na sa Pilipinas sumakabilang-buhay.

Lucita has remarried in the U.S. sa isang retired American engineer.

vuukle comment

ANG

BULACAN

COLLEGE OF SAINT BENILDE

CULINARY ARTS

DINGDONG DANTES

GARY GARCIA

LUCITA SORIANO

NEW YORK

PASKO

ST. PAUL COLLEGE

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with