^

PSN Showbiz

AiAi makikipag-usap ng masinsinan sa ama ni Jiro

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Itinuturing ni AiAi delas Alas na malaking achievement sa kanya kung maaayos niya ang pagkikita nina Jiro Manio at Japanese father nito.

Sa susunod na linggo ay tutuloy patungong Japan si AiAi kasama ang staff niya. Isa sa pakay ng Kapuso Comedy Queen ay makipagkita sa ama ni Jiro.

Hindi raw niya alam kung maganda ang kalalabasan ng kanilang pag-uusap pero nagdarasal daw siyang tatanggapin ito ng ama ni Jiro para mapasaya naman daw niya ang dating child actor sa Pasko.

Tingin daw niya ay malapit nang guma­ling si Jiro, kaya baka bago mag-Pasko ay madala na niya ito sa Japan.

PAK: Natatawa si Ken Chan na ikinuwento sa amin kung ano ang nangyari sa familiarity at sensuality workshop nila ni Fabio Ide.

Si Fabio ang leading man ni Ken sa bagong drama series ng GMA 7 na Destiny Rose kung saan gaganap si Ken bilang isang transwoman.

Meron daw silang mga intimate scenes kung saan maghahalikan silang dalawa.

Ikinuwento ni Ken kung paano sila naghipuan, naghawakan ni Fabio para sa kanilang workshop.

Mabuti at mabilis daw silang nagkapalagayan ng loob ni Fabio at kampante na raw sila sa isa’t-isa. Basta sabi ni Ken, iniisip lang daw niya na girl siya.

BOOM: Isang kaibigan galing Bicol ang nagkuwento sa amin kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga Bicolano kay Alden Richards.

Tinalbugan daw nito ang ilang mga artistang nakasabay niya na dumalo sa isang event doon sa Legaspi.

Ang hirap na nga magpa-schedule ngayon kay Alden dahil sa rami ng gustong kumuha sa kanya sa iba’t-ibang okasyon.

Totoo bang kinukuha si Alden na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash, pero tumanggi raw ang GMA Artist Center?

Si Alden daw sana ang nasa finale sa naturang event. Pero ayaw daw ng isang executive ng GMAAC?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

ARTIST CENTER

COSMO BACHELOR BASH

DAW

DESTINY ROSE

FABIO

FABIO IDE

JIRO

JIRO MANIO

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with