^

PSN Showbiz

Ano ba talagang nangyari? Rufa Mae Quinto ang lalaki ng pasa sa katawan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ano ba talagang nangyayari kay Rufa Mae Quinto?

May oras na may pasa-pasa sa katawan ang pino-post niyang photos sa kanyang Instagram account at may time naman na kumakanta-kanta siya.

Kaya naman imbes na siya ang pagbintangan ng kung anu-ano, mas naloloka ang followers at nakakakita sa mga pino-post niya.

Kaya ‘yung iba, ina-unfollow na lang siya dahil naguguluhan na sila.

Heto ang sample sa kanyang post kung saan pinapakita niya ang malalaking pasa niya sa katawan : “This is what I’ve been though... Thru .. True and truth... So thank you lord for sa­ving my life and yes... To my doctors.. May pag Asa pa... And I’m sharing this so I could be of help to people suffering and in pain. I will teach or atleast inspire and give support , advice , strength to people healed sickness , get ready physiologically and physically and spiritually emotionally . I’m sharing this coz I’m done being scared. So if u need superrrr B! Call me baby! I’m here . Thanks to the people who really care . And loved me for being Booba ! For 20 years . For Loving and Laughing WITH me NOT At me. For my nose bleed barok English . Guys! Ganon talaga . I love you all #hematoma #bloodclot.”
Meron din siyang video na umiiyak-iyak na parang aakalain mo na talagang malala na siya. “Yessssss! Booba Cries... kakayanin natin to guys!!! Super B .. Kahit masikip sa dibdib... #hematoma,” sabi naman niya sa caption.

Pero pagkatapos naman nito ay kung anu-ano na naman ang pino-post niya. Meron pang pinapakita niya ang mamahalin niyang sandals at meron namang nagpa-practice siyang mag-Beyonce.

So ano ba talagang nangyayari sa kanya?

O baka naman sa kawalan ng trabaho kaya nagti-trip lang si Rufa Mae?

Pero nagpapasalamat din naman si Rufa Mae sa mga sinasabi niyang mga doctor niya.

Hmmm, ano nga kayang sakit ni Rufa Mae?

Goma nakasungkit ng gold medal sa Asian Master’s

Wow after ng box office hit movie na The Love Affair, ang gold medal naman ang nasungkit ni Richard Gomez sa kauna-unahang Asian Master’s Fencing Championship na ginanap sa PhilSports Complex in Pasig City recently.

“Thank you, Lord! Thank you for the support of my teammates and coach Benny. Thank you for the continous support of my lovely wife Lucy Torres Gomez, “ sabi ni Goma sa kanyang Facebook account.

Congrats Goms.

World class artists magpapasabog sa ASAP

Maki-sing along sa world class artists at makisaya sa naiibang musical experience hatid ngayong Linggo (Aug. 30) ng ASAP 20.

Humanda sa mala-concert na performances ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga at nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

Tunghayan ang isang powerhouse tribute sa OPM legend na si Hajji Alejandro handog ng world-class singers na sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Rachel Alejandro, Jay-R, Erik Santos, Jed Madela, Bituin Escalante, at Gary V.

Isa namang all-star at all-out na clash dance ang sasainyo kasama sina Maja Salvador, Coleen Garcia, Bangs Garcia, Karen Reyes, Meg Imperial, at Arci Munoz na dadagdagan pa ng mainit na Supahdance number mula kina Sarah Lahbati at Jamie Merrel.

Samantala, maki-jam sa certified divas na sina Sheryn Regis, Angeline Quinto, Nina, Yeng Constantino, at Vina Morales, at maki-chill sa acoustic session nina Sam Milby, JM De Guzman, Richard Poon, at Piolo Pascual.

Hindi rin nagpapahuli ang pinakamaiinit na teen stars ngayon na sina Julia Barretto, Gimme 5, Marco Gumabao, Marlo Mortel, at Pinoy Big Brother 737 Teen Big 4 na sina Bailey, Franco, Jimboy, at Ylona na makikigulo rin para sa isa na namang teen invasion.

Mapapanood din ang isang musical comedy tampok sina Alex Gonzaga, Melai Cantiveros, Negi, Chokoleit, at Eric Nicolas. Isa na namang kwento ang bubuksan matapos ang Twitter-trending na kwento nina Enrique Gil at Liza Soberano noong nakaraang linggo.                            

vuukle comment

ACIRC

ALEX GONZAGA

ANG

ANGELINE QUINTO

ARCI MUNOZ

ASIAN MASTER

BANGS GARCIA

BITUIN ESCALANTE

NAMAN

NBSP

RUFA MAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with