^

PSN Showbiz

Natakot Epi Quizon at mga kapatid minulto ni Dolphy, mga ari-arian ‘di pa ibebenta!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kinuwento ni Epi Quizon sa presscon ng pelikulang Hene­ral Luna na hindi na raw muna nila ibebenta o ipa-auction ang mga properties ng kanilang ama.

 Aniya; “Nag-usap-usap kami na parang ayaw ni Daddy na ibenta ang mga properties, kaya sabi namin huwag muna. Parang may message si Daddy na huwag muna namin ibenta.”           

Ibebenta naman daw nila ang mga properties, pero hindi raw muna ngayon.

Napagkasunduan din daw nilang magkakapatid na dapat ay iisa ang kanilang desisyon pagdating sa properties ni Mang Dolphy.

Labing-walong magkakapatid daw silang mag-decide na kung sakaling isa lang ang mag-“no”, hindi nila itutuloy. Dapat lahat daw ay agree sa isang desisyon.

Samantala, gaganap si Epy bilang si Apolinario Mabini sa Heneral Luna na magsu-showing na sa September 9.

PAK: Pinagpipiyestahan ng followers nitong kilalang showbiz couple kung paano sila maglabas ng kanilang love sa isa’t isa.

Kaya lang, hindi pa sila umaaming sila na.

Kapag tinatanong sila tungkol sa kanilang relasyon, itinatanggi nila.

Kapag tinatanong mo si aktres, tawa lang siya nang tawa. Si aktor naman ay hindi talaga nagpapa-interview para hindi matanong tungkol sa relasyon kay aktres.

Pero hindi na sila kailangang kulitin pa dahil nakikita naman sa kanilang IG account kung paano nila i-express ang nararamdaman nila sa isa’t-isa.

BOOM: Dalawang buwan na palang nakaraan na nakunan si Neri Naig.

Ninais nila ni Chito Miranda na manahimik dahil dinamdam nila nang husto ang pagkawala ng kanilang first baby.

Kamakalawa lang kinumpirma ni Chito na nakunan si Neri.

Sabi ni Chito sa kanyang IG account; “Pinili lang namin na wag na lang pag-usapan publicly kasi it was something that we’d rather deal with privately kasi sobrang sakit para sa amin at sobrang hirap nang pinagdaanan namin lalo na para kay Neri.

 “Inspite of everything, neri chose to remain positive, fighting through her depression. That’s how strong my wife is.”

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

APOLINARIO MABINI

CHITO

CHITO MIRANDA

EPI QUIZON

HENERAL LUNA

HINDI

NBSP

NILA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with