^

PSN Showbiz

Kris kailangan na ng katuwang para may nagpapaalala

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi madali ang kinalalagyan ni Kris Aquino pero nakakabilib ang kanyang mga ginagawa lalo na pagdating sa pagbabalanse sa kanyang trabaho at pagiging single parent kina Josh and Bimby.

Bukod sa kanyang daily morning show na KrisTV, may pelikula siyang ginagawa ngayon, ang movie adaptation ng librong Etiquette for Mistresses na isinulat ng veteran writer na si Julie Yap-Daza. May Metro Manila Film Festival (MMFF) movie pa siyang dapat simulan, ang first movie na pagtatambalan nila ni QC Mayor Herbert Bautista, ang Mr. & Mrs. Split na mukhang nanganganib na hindi matuloy kung magpapatuloy ang health condition ni Kris.

Tulad ng kanyang “soul brother” at best friend-colleague na si Boy Abunda, napaka-workaholic din ni Kris considering na napakayaman na nito at puwede nang mag-slow down sa kanyang trabaho.

Ngayon lamang unti-unting nare-realize ni Kris na kailangan niya ring alagaan ang kanyang sarili alang-alang sa kanyang mga anak.

Pero ang tiyak na kailangan ni Kris ay isang katuwang na magpapaalala sa kanya.

Sam wala pa ring makitang liligawan

Naka-upload na sa social media ang teaser ng first team-up sa pelikula ng Kapamilya actor na si Sam Milby at Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, ang PreNup na idinirek ni Jun Lana at produced ng Regal Films.

Ang ilang eksena ng pelikula ay kinunan pa sa Big Apple (New York, U.S.A.) at base sa trailer, mukhang maganda ang pelikula.

Nasa rival network man sina Sam at Jennylyn, naging possible ang kanilang team-up dahil na rin sa Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Would this mean kaya na maggi-guest si Sam sa mga programa ng GMA at si Jennylyn sa ilang programa ng ABS-CBN?

Samantala, hanggang ngayon ay nananatili pa ring loveless si Sam considering na isa ito sa most sought-after bachelor ng Kapamilya network. Si Jennylyn naman ay obvious na nakipagbalikan na sa kanyang ex-boyfriend na si Dennis Trillo.

Lovelife ni Mahal pinag-iinteresan pa rin

Napanood namin last Sunday ang Rated K ni Korina Sanchez-Roxas kung saan na-feature si Mahal at ang kanyang nobyong nasa Saudi na si Aries Navarro. Walong buwan na ang relasyon ng dalawa.

Maagang nabiyudo si Aries at meron itong 9-year-old son na si Mahal ang nag-aalaga.

Kilig-kiligan si Mahal habang in-interview ni Korina kasama ang kanyang nobyo na nasa Saudi.

Kahit abnormal ang height at laki ni Mahal, hindi ito hadlang sa pagiging normal ng kanyang lovelife dahil bago si Aries ay naging nobyo niya ang yumaong singer-actor at dating member ng That’s Entertainment na si Jimboy Salazar.

Kahit long distance ang love affair ngayon nina Mahal at nobyo nitong si Aries, hindi ito problema dahil regular silang nag-uusap sa pamamagitan ng Skype at FaceTime.

Kung in the news pa rin hanggang ngayon si Mahal, kumusta na kaya ang dati niyang katrabaho na si Mura?

Tulong pinansyal

Nangangailangan ng agarang financial help ang isang kasamahan sa panulat na si Manny Camacho na may kidney problem bukod pa sa pagiging diabetic nito.

Si Manny ay makukontak sa 0939-8642259. Sa mga gustong tumulong ay maaring magpadala sa kanya sa pamamagitan ng Smart Padala with account number #5299-6746-7740-7117.

vuukle comment

ANG

ARIES NAVARRO

BIG APPLE

BOY ABUNDA

DENNIS TRILLO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JIMBOY SALAZAR

JOSH AND BIMBY

JULIE YAP-DAZA

KANYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with