^

PSN Showbiz

Kaya walang alaga na pumasok sa finals... Fans ni Sarah tinamad bumoto?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Gustong isipin ng mga sumusubaybay ng The Voice Kids na nagpabaya ang fans ni Sarah Ge­ronimo nang ni isa man ay walang pumasok sa mga hinasa niya sa grand finals ngayong Sabado at Linggo (August 29 and 30) ng nasabing pa-contest. Nagulat ang mga manonood ng programa dahil sa first season ng The Voice Kids ay nag-champion ang alaga ni Sarah  na si Lyca Gairanod.

Maski ang runner-up na si Darren Espanto ay bahagi rin ng Team Sarah. Walang kandidato si Lea Salonga dahil ang third placer na si Juan Karlos Labajo ay miyembro naman ng Camp Kawayan.

Gaano man pakaiwasan ay hindi matapus-tapos ang sinasabi ng mga coach ng The Voice Kids na iwasan ang pagbibigay ng sympathy votes at sa halip ay talent sa pagkanta ang gawing pangunahing criteria ng mga boboto. Siyempre inaasahan na mamayani ang mga kandidato ni Sarah dahil sa napakaraming Popsters na puwedeng sumuporta

Nakapagtataka lang na mukhang ti­­na­mad ang mga tagasubaybay ni Sarah dahil nga ni isang kandidato niya ay hindi nakapasok sa finals. Pero hindi rin maiwasan na mag-isip ang mga ma­nonood dahil with Sarah’s kids out of competition, baka hindi na rin sumali ang fans niya sa grand finals. Tsk. Tsk. Tsk.

Fans nataranta nang hindi agad nagpakita si Luis sa The Voice...

Masayang malaman na patuloy na magsisilbing host si Luis Manzano sa The Voice Kids. Wala ito sa unang araw ng semi-finals kung kaya nag-alala na ang mga manonood ng pinakapaboritong amateur singing contest para sa mga bata na baka nag-resign na siya.

Pero nagbalik ang kasiyahan ng manonood nang makita siya sa ikalawang round ng performances ng anim na semi-finalist, kaya lamang masyado niyang ibinitin ang pagsasabi ng mga pangalan ng apat na pasok sa grand finals.

Kahit ano pa ang sabihin ng marami, kenkoy si Luis. Marunong siyang magpasaya ng manonood, even at his own expense. Pati pagkanta at pagsa­yaw na hindi niya forte ay nakapagdudulot ng aliw sa mga manonood. Mabuhay ka, Luis!

Ryzza Mae natabunan na rin ng tambalang AlDub

Mukhang sa pagtuon ng pansin ng EB kina Alden at Yaya Dub ay na­pabayaan at nakalimutan na nila si Ryzza Mae Di­zon na mabuti at hindi nai-insecure, bagkus ay nahawa na rin sa AlDub phenomenon na nagaganap sa kasalukuyan.

Tanong ng maraming followers ni Aleng Maliit ay kung kailan na ba magsisimulan ang serye nila ni Aiza Seguerra na papalit sa The Ryzza Mae Show. Oo nga, kailan ba?

Lovi at Rocco nagpi-PDA na kahit sa set

Kapansin-pansin ang agad na pa­­giging close sa isa’t isa ng cast ng Beautiful Strangers kahit first time lang nilang magkasama-samang lahat sa iisang programa. Kahit nga ang magkarelasyon na sina Lovi Poe at Rocco Nacino ay mas lalo pang naging sweet at showy ng affection sa isa’t isa tuwing magkasama sila sa taping. Kaya’t lalong kilig na kilig ang kanilang fans at supporters tuwing nagpo-post sila ng photos sa kanilang Instagram accounts.

Enzo nag-tree planting nung birthday

Nag-celebrate si Enzo Pineda ng kanyang birthday sa pamamagitan ng isang tree planting activity sa Lumban, Laguna sa tulong ng Haribon Foundation. Kakaibang fulfillment naman daw ang naram­daman ng Kapuso actor dahil nagawa niyang yayain ang kanyang fans na suportahan din ang kanyang advocacy para sa ating kalikasan.

vuukle comment

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ALENG MALIIT

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

CAMP KAWAYAN

LUIS

MGA

NBSP

SHY

VOICE KIDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with