^

PSN Showbiz

Benjie at Kobe sinamahan ni James Yap para sa Kapatid Play Offs!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Lumipad sa California ang mag-amang Benjie at Kobe Paras para sa Kapatid Play Offs na project ng TV5 International.

Kahapon ang meet-and-greet nina Benjie at Kobe sa Cerritos, California at kasama nila si James Yap na nagpasaya sa mga kababayan natin doon.

Ang Tice Valley Gym sa Walnut Creek naman ang venue ng Kapatid Play Offs na siguradong dadagsain ng mga Pinoy tulad ng mainit na pagtanggap nila kina Benjie, Kobe, at James sa meet- and-greet.

Andre mas piniling mag-aral kesa magbiyahe

Gustuhin man ni Andre Paras, hindi siya puwedeng mag-join sa U.S. trip ng kanyang fadir at dear brother dahil kaliwa’t kanan ang commitments niya.

Naglalagare pa rin si Andre sa tapings ng The Half Sisters at sa shooting ng Girlfriend for Hire, ang launching movie ng loveteam nila ni Yassi Pressman.

Hindi pa puwedeng magbakasyon o bumiyahe sa malayong lugar si Andre dahil sa mga commitment niya sa school at showbiz.

Sen. Tito Sotto nagpa-dirty ice cream sa senado!

Belated happy birthday kay Senator Tito Sotto na nag-celebrate kahapon ng kaarawan niya.

Happy people ang mga empleyado ng senado dahil sa free ice cream treat sa kanila ni Tito Sen. Tuwang-tuwa ang senate employees nang bumulaga sa kanilang paningin ang mga sorbetero at dirty ice cream cart, courtesy of Tito Sen.

Lola Nidora nili-link na rin kay Hitler!

Kung nabubuhay ang diktador na si Adolf Hitler, baka magreklamo ito dahil nali-link siya kay Lola Nidora, ang karakter na pinasikat ni Wally Bayola sa Eat Bulaga.

Biglang lumitaw at kumalat noong Linggo ang mga picture nina Hitler at Lola Nidora na magkasama na pruweba kuno ng kanilang relasyon.

Photoshopped ang mga picture pero kuwelang-kuwela ito sa mga loyalista ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Perfect ang pagkakaretoke sa mga litrato dahil mukhang kaedad talaga ni Lola Nidora ang diktador na kinamuhian ng buong mundo noong World War ll.

Malaki ang kinalaman ni Wally sa pagsikat ng kalyeserye ng Eat Bulaga at ng loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza. Nakabalik na talaga si Wally at walang kumokontra sa paniniwala na siya ang nagdadala sa sinusubaybayan na kalyeserye ng Eat Bulaga.

Staff ng Startalk nag-bonding na, bago magkanya-kanya

Nag-bonding kahapon sa Villa Alfredo’s Garden Resort sa Barangay Baliti, San Fernando, Pampanga ang staff ng Startalk at siyempre, kasama ako dahil ‘yun ang outing at get together namin bago mag-babu sa September 12 ang aming showbiz oriented talk show sa GMA 7.

Maraming salamat kay Trina Regalado Angeles, ang very generous at accommodating owner ng Villa Alfredo’s at best friend ng aking anak na si Sneezy.

Hindi mo na kailangan pumunta sa malayong lugar para mag-swimming dahil perfect place ang Villa Alfredo’s na napakalapit lang sa Metro Manila at magaganda ang mga kuwarto.

Sa mga gustong mag-unwind at mag-relax sa Villa Alfredo’s, puwede kayong mag-inquire sa (02) -5844840 (Manila number) (045) 455-3984, (045) 455-1397, at sa 0927-9338858 at 0920-6009904.

vuukle comment

ADOLF HITLER

ALDEN RICHARDS

ANDRE PARAS

ANG

BENJIE

EAT BULAGA

KAPATID PLAY OFFS

LOLA NIDORA

MGA

TITO SEN

VILLA ALFREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with