^

PSN Showbiz

Maraming mga saksi: Beauty queen, reyna rin ng inuyat

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi imbento lang. Totoong-totoo ang kuwento tungkol sa isang female personality na ipinasadya ang pagpapalagay ng lock ng kanilang refrigerator sa bahay.

Bukod du’n ay meron din siyang sariling notebook na ang nakalista lang ay ang mga pinamalengke ng kanyang kasambahay para sa buong linggo. Alam niya kung ilang kilong karne ang binili, kung ilang kilo na ang nababawas, alam niya rin pati ang bilang ng mga gulay sa kanilang ref.

Parang hindi totoo ang kuwento tungkol sa sobrang kasinupan sa buhay ng babaeng personalidad, parang sa komiks lang nangyayari ang ganu’n, pero maraming nag-alisan na niyang kasambahay ang nagpapatotoo na ganu’n siya katindi.

Matindi raw kasi ang pagpapahalaga ng aktres sa ginagawa niyang pagpapagod at pagpupuyat sa shooting at taping. Gusto niyang maiayos ang sistema sa pagpapatakbo ng kanyang kabuhayan.

Kuwento ng aming source, “Tama naman siya du’n. Lahat naman tayo, gusto nating iayos ang takbo ng buhay natin, pero sana lang, e, gawin niya ‘yun sa paraang makatao pa rin siya. Sa mga ginagawa niya kasi, e, parang ayaw na niyang mabuhay ang mga kasambahay niya dahil sa sobrang karamutan niya,” komento ng aming kausap.

Pati ang sukat ng pagbibigay ng softdrinks ng mga kasambahay niya sa mga dumarating nilang bisita ay kailangang maayos. Kapag ordinaryo lang ang bisita, maliit na baso lang ang kailangang gamitin ng maid-of-cotton, pero kapag may hatid na raket at pagkakakitaan ay malaking baso ang ipinagagamit niya sa mga kasambahay.

Pati ang mga damit ng female personality ay hindi niya ipinamimigay, itinatabi lang niya ang mga ‘yun, saka niya ipinaa-alter sa kanyang modista. Pinalalagyan lang niya ng mga sequins ang mga damit at mukhang bago na naman.

Kung may nakaputong na korona sa kanyang ulo sa pagandahan ay meron pang karagdagang korona ‘yun. Ang korona sa pagiging tiyani at inuyat.

Ubos!

Wala pa ring mahanap na bise sa eleksyon Kris pipilitin ni P-Noy na maging ka-tandem ni Mar Roxas?!

Talagang nagsarado na ng pintuan si Governor Vilma Santos sa posibilidad na tumakbong vice-president katuwang si DILG Secretary Mar Roxas. Wala siyang kinalaman sa mga balitang naglalabasan tungkol sa pag-asinta sa mas mataas na posisyon.

Madaling intindihin ang mga sinasabi ng aktres-pulitiko, dapat lang naman talaga niyang linawin na wala siyang interes sa pangnasyonal na posisyon, mananatili pa rin siya sa probinsiya ng Batangas na nagsimula at nagbigay sa kanya ng tagumpay sa mundo ng pulitika.

Sabi kasi nang sabi ang mga taga-Liberal Party na sinusuyo siya ng partido para tumakbong vice-president sa kanilang tiket, pero wala namang pormal na nakikipag-usap sa kanya tungkol du’n, ano nga ba naman ‘yun?

Para siyang nilalawitan ng pamingwit na kung kakagatin niya’y salamat, pero kapag hindi, maraming salamat pa rin. Walang pormalidad. Puro lang kuda ang mga taga-Liberal Party.

Dalawa raw sila ni Senadora Grace Poe na gustong makahawak-kamay ng partido ni Secretary Mar Roxas pero hindi naman siya kinakausap nang pormal, ano nga ba naman ‘yun, patintero?

Hanggang ngayon ay wala pa ring running mate si Secretary Roxas, kapag wala na raw talaga silang maitambal sa mister ni Korina Sanchez ay si Kris Aquino na lang ang patatakbuhin ng kanyang kuya, naloko na!

Ayaw na ayaw ni Amay Bisaya ng ganyan. Ipinagduduldulan na ng komed­yante ang kanyang sarili kina VP Binay at Kuyang Mar, pero ayaw naman itong seryosohin ng dalawang partido.

vuukle comment

ACIRC

AMAY BISAYA

ANG

GOVERNOR VILMA SANTOS

KORINA SANCHEZ

LANG

LIBERAL PARTY

MGA

NAMAN

NIYA

SECRETARY MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with