^

PSN Showbiz

Kung ang iba atat Gov. Vi ayaw talagang tumuntong sa Malacañang

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa ang interview kay Batangas Gov. Vilma Santos sa shooting ng Star Cinema movie dahil nagdya-jump from showbiz to politics. Pero pinanindigan nitong walang makakapagpabago sa desisyon niyang hindi tanggapin ang offer na tumakbong vice president.

“I’m not prepared and it’s not my ambition to run for a national position, I’m not interested and I’m not entertaining. Hindi ako nag-aambisyong makara­ting ng Malacañang. Alam ko sa sarili ko na hindi ko handang isakripisyo ang family ko at walang puwedeng makapagpabago sa desisyon ko,” final na pahayag ni Vilma.

Sa tanong kung hindi ba niya nararamdamang ginagamit siya dahil kahit sinabing hindi siya tatakbong VP, tuloy pa rin ang pagbanggit sa kanyang pangalan na possible runningmate. Sagot ni Gov. Vi, sa press nanggaling ang ganu’ng paniniwala at hindi sa kanya.

Ang nabanggit ni Vilma, baka tumakbo siya sa Kongreso, pero wala pa ring final say tungkol dito. “Kung gusto ko pa ang politics after my term (last term na niya sa 2016), babalik ako as governor of Batangas be­cause I love serving the people of Batangas,” wika ni Vilma.

Samantala, wala pang final title ang movie nina Vilma at Angel Locsin with Xian Lim, kaya hindi pa ito nabanggit ni Vilma. First time niyang gaganap sa role ng super rich and strong woman at boss ni Angel.

“May clashes kami ni Angel dito. It’s a family movie, it’s about power and wo­man empowerment. This is something different, my character as Vivian is very different at wala akong love interest dito,” sabi ni Vi.

Lovi wish na magkaayos na sina Heart at Marian

Bukas pa, August 23, bibisita si Lovi Poe sa puntod ng amang si Fernando Poe, Jr., para batiin ito sa ika-76th birthday nito. Sa halip, muli siyang bumisita sa Child Hope Asia sa Pandacan at nakipagkuwentuhan, nakipagkantahan, at na­migay ng merienda sa mga bata.

Iba ang nakukuha niyang fulfillment dito sa nakukuha sa pagiging artista. Kaya kahit busy, kanyang itutuloy ang nasimulang advocacy na pagtuturo sa mga karapatan ng mga kabataan.

Bagong gupit pala si Lovi at maiksi ang hair nito bilang paghahanda sa ma­la­king twist sa karakter niyang si Lea sa Beautiful Strangers. Ibinibigay niya ang lahat ng kaya niya sa kanyang role dahil ayaw nitong biguin ang writers at si direk Albert Langitan. Hindi acting, kundi totoo ang nararamdaman niya sa napapanood sa soap ng GMA 7.

Inalam din pala ng press kay Lovi kung okay kay Heart Evangelista na binati niya si Marian Rivera sa anniversary ng YES! Magazine.

“Heart is fine and we’re all praying for the best. Sana, maging masaya na lang tayo kung magiging maayos sila lalo’t we’re in the same network. They’re both good people and hopefully, maayos na ang lahat para sa ekonomiya,” biro ni Lovi.

Fans ng tambalang Cocojam nabuhay!

Malakas talaga ang loveteam nina Coco Martin at Maja Salvador dahil ipinakita pa lang ang eksena ng aktres sa Ang Probinsiyano, kinilig at nagsigawan na ang Cocojam fans ng dalawa. Looking forward sila sa mga eksena ng dalawa at hindi na makapaghintay sa airing nito.

Sa pilot week, si Bela Padilla ang mapapanood as the wife of Coco at sa latter part pa papasok si Maja na gaganap sa role ni Glenn na isang policewoman. Kaya ang Cocojam fans, hindi na mapakali.

Ang ganda ng Ang Probinsiyano, mahuhusay lahat ang cast pati mga batang kasama rito, lalo na si Simon Pineda na gumanap na Boknoy. Nag-audition ang bagets at kitang nagklik agad sila ni Coco. Malinaw ang pagkalatag ng dalawang karakter ni Coco, kaya hindi malilito ang viewers.

Ang daming dumating sa tribute screening kabilang si Sen. Grace Poe na sumuporta sa inang si Susan Roces na gumanap as Coco’s lola.

Trailer ng pelikula ni Dennis nakakapangilabot!

Sa October 4, ang premiere night ng Felix Ma­nalo, The Last Messenger na gagawin sa Philippine Arena. Marami sa press ang gustong mapanood ang Viva Films movie sa premiere night pa lang at hindi na mahintay ang regular showing sa Oct. 7.

May nagbirong reporter na sa rami ng cast ng movie, dapat lang ang ma­laking venue ng premiere night dahil hindi magkakasya kung sa regular venue lang ito gagawin.

Ang ganda-ganda ng pelikula at na­­ngilabot ang press nang mapanood ang trailer ng movie na pi­nag­bibidahan ni Dennis Trillo. Nasa editing phase na raw ang pelikula na talaga namang worth P150-M plus.

Curious kami kung ano ang gagawin ng Viva Films at Iglesia Ni Cristo (INC) sa location na itinayo sa Laguna para sa Felix Manalo. Nasa ilalim ito ng direction ni Joel Lamangan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSIYANO

COCOJAM

HINDI

LOVI

NBSP

SHY

STRONG

VILMA

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with