^

PSN Showbiz

Kahit malakas ang buhos ng ulan, Sen. Enrile ‘bumalik’ sa kulungan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tinupad kahapon ni Senator Juan Ponce Enrile ang kanyang pangako na dadalawin sa PNP Custodial Center sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada, isang araw matapos na magpiyansa siya ng P1.45 million para sa kanyang pansamantala na kalayaan.

Kahit malakas ang buhos ng ulan, binisita ni Senator Enrile sina Papa Jinggoy at Bong na tuwang-tuwa sa pagdating ng kanilang special guest. Isang oras na namalagi si Senator Enrile sa detention center nina Papa Jinggoy at Bong.

Tumagal ng mahigit sa isang taon ang hospital arrest kay Senator Enrile sa PNP General Hospital sa Camp Crame bago pumayag ang Supreme Court na makauwi siya sa sariling bahay sa bisa ng piyansa.

Wally nag-hello ang ‘rambutan’ sa ere!

Nakakaloka ang mga pangyayari kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga dahil marami ang napaiyak sa mga madadamdamin na eksena nina Alden Richards at Yaya Dub.

Napalitan ng tawanan ang malungkot na eksena dahil nag-hello ang “rambutan” ni Wally Bayola aka Lola Nidora nang maupo ito sa wheelchair.

Riot ang mga palitan ng dialogue ng mga host na nasa Broadway studio ng Eat Bulaga at ng mga kasama ni Wally sa isang barangay sa Taguig City.

Pati si Wally, hindi napigilan ang matawa sa freak incident. Mabuti na lang, mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na-sight nang husto ang kanyang jingle balls.

Ikakasal uli ngayon si Yaya Dub kay Frankie (Jose Manalo) kaya tiyak na hahataw na naman sa ratings ang Eat Bulaga. Baka malampasan ng episode ngayon ang bonggang rating ng Eat Bulaga nang mahimatay si Yaya Dub sa naudlot na kasal nila ni Frankie, ilang linggo na ang nakalilipas.

Mother Lily isang araw lang ang tanda kay FPJ

Tatlo sa mga alaga ko ang dumalo sa tribute screening ng Ang Probinsyano sa TriNoma Cinema noong Huwebes, sina Lorna Tolentino, Amy Austria, at Tonton Gutierrez.

Invited sina LT, Amy, at Tonton sa tribute screening na paraan ng paggunita sa 76th birth anniversary ni Fernando Poe, Jr. noong August 20.

One day older lang pala si Mother Lily Monteverde kay Kuya Ron. Nagdiwang si Mother ng kanyang 76th birthday sa Valencia Events Place noong August 19 na nagkataon na holiday sa Quezon City dahil kaarawan din ito ni former President Manuel L. Quezon.

Nova ibinunyag ang ibig sabihin ng pangalan ni Megan

“Galing sa dagat” pala ang ibig sabihin ng pangalan na MariMar, ang primetime drama series ng GMA 7 na magsisimula sa Lunes, August 24.

Ang karakter ni Nova Villa ang nag-explain sa kahulugan ng MariMar na ginagampanan ni Megan Young.

Maiksi lamang ang role ni Nova sa MariMar dahil mamamatay ang kanyang karakter na nakapulot kay MariMar at kinilala nito bilang lola niya.

Binatilyo ni Eric nag-aambisyong mag-artista

Anak ni Eric Fructuoso si Frederick na kasali sa Top 35 contestants ng StarStruck VI.

Hindi kahawig ni Eric ang kanyang binatilyo na medyo chinito at nag-aambisyon na sundan ang yapak sa showbiz ng tatay niya sa pamamagitan ng pagsali sa reality-based artista search ng GMA 7.

Suportado ni Eric ang pagsali ng kanyang anak sa StarStruck at hoping siya na makasama si Frederick sa Top 14 contestants.

Mahigpit ang kompetisyon sa Season VI ng StarStruck dahil star material ang lahat ng mga kasali.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

AMY AUSTRIA

ANG

ANG PROBINSYANO

EAT BULAGA

MGA

NBSP

PAPA JINGGOY

SENATOR ENRILE

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with