Derek gumiling-giling para kay Coleen
Showing na sa September 2, ang Ex With Benefits na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Coleen Garcia. Kasama rin si Meg Imperial at sa direction ito ni Gino Santos. Balik-Star Cinema sa nasabing pelikula si Derek at parang masusundan pa.
Agad nagustuhan ang trailer ng Ex With Benefits at curious kami sa nabasang “dancing” at sa reaction ng mga nakapanood ng trailer, parang si Derek ang sumayaw at kung ano’ng eksena, malalaman ‘pag pinanood ninyo ang pelikula.
Sigurado namang papayagan ng TV5 si Derek na mag-promote ng movie niya sa shows ng ABS-CBN, kaya abangan ninyo ang guesting ng aktor sa iba’t ibang programa ng Kapamilya Network.
Samantala, nag-iimbita si Derek na samahan siya sa October 15, sa Run & Dance with Derek for a Cause. Ang malilikom na pera ay para sa ipatatayong orphanage, kaya lang, sa Lanao del Norte ito gagawin.
Lucy namangha kay Bea
Sa huli naming pagtsi-check, naka-P100-M na ang box-office gross ng The Love Affair nina Richard Gomez, Bea Alonzo, at Dawn Zulueta at dahil matagal pang ipalalabas ang Star Cinema movie, madadagdagan pa ng malaki ang kikitain nito.
Nabasa pala namin sa Instagram (IG) account ni Roxy Liquigan ang text message ni Cong. Lucy Torres-Gomez kay Bea at ang sagot naman ni Bea kay Lucy.
Lucy: “Hi Bea! This is Lucy. Congratulations! You and Dawn were just brilliant in the movie. There could not have been a better cast. You both were gorgeous in every scene. And grabe when you guys cry. The audience just weeps right along. It is a beautiful movie, a beautiful cast, a beautiful team. Bagay din kayo ni Richard! You guys also look good together! Stay beautiful!”
Bea: “aww...thank you ms. Lucy! I’m glad you liked the film!!”
Lucy: “Super ganda mo, Bea. Super. And your acting! Wagi I am a fan.”
Bea: “omg!! this made my day!! thank you ms. Lucy!!! Sorry, hiniram muna namin si kuya goma...i hope to see you soon!!”
May international screening ang pelikula this whole month of August hanggang September para sa mga kababayan nating sa ibang bansa na gusto itong mapanood.
- Latest