^

PSN Showbiz

Lovelife nina Megan at Tom, bawal pag-usapan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Marian mag-aaral magpadede

PIK: Hindi puwedeng pag-usapan ang lovelife nina Megan Young at Tom Rodriguez sa promo ng Mari Mar.

Mas gusto raw nilang mag-focus sa kanilang drama series na ibang-iba raw ito sa nakaraang Mari Mar.

Kaya ayaw nilang ikumpara sa unang Mari Mar nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sabi nina Megan at Tom, ibang Mari Mar daw ang mapapanood dito. Mabait daw at mapagmahal sa pa­mil­ya si Mari Mar pero palaban.

Sa August 24 na magsisi­mula ang bagong serye sa GMA Telebabad.

PAK: Malapit na raw ipa-re­arrange ni Marian Rivera ang ayos ng kuwarto nila ni Dingdong Dantes para bumagay sa kanilang baby girl.

Ayaw daw nilang ihiwalay ang kuwarto, gusto nila kasama nila ito.

Kahit magmukhang baby’s room ang kanilang kuwarto, okay lang daw dahil gusto nilang kasama nila ito sa kanilang pagtulog at hands on ang pag-aalaga nila sa baby.

Pati nga ang pagpapadede ay gustong pag-aralan ni Marian. Meron daw seminar sa ganun, kaya gusto rin niya itong daluhan.

Sabi ni Marian; “Magsi-se­minar ako kung ano ang tamang pro­seso at tamang pagpadede talaga. Kasi gusto ko ibigay sa kanya ang dapat kong ibigay talaga.

“Sabi ko nga, lahat ‘yan gagawin ko para sa anak ko.”

BOOM: Nakatakdang umalis pa­tungong Japan at Amerika si Alden Richards kaya pinag-uusapan na raw kung ano ang gagawin para maipagpatuloy lang ang takbo ng kuwento ng AlDub nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza) sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sabi naman ni Tito Joey de Leon, wala raw talaga silang formula. Tila anything goes lang na kung ano ang maaring mangyari sa kalye.

Sabi nga niya sa kanyang Instagram account; “Wala talagang formula sa success ng ALDUB. Two words lang….DIMPLE & SIMPLE.”

Pero pinag-iisipan pa rin daw niya kung ano ang susunod na gagawin nila sa Kalyeserye.

Sa ngayon ay panay ang post ni Tito Joey ng mga quote niya tungkol sa AlDub.

Bentang-benta ang isang post niya sa kanyang Twitter at Instagram accounts at marami ang nagla-like nito.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

INSTAGRAM

MARI MAR

MARIAN RIVERA

SABI

STRONG

TITO JOEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with