^

PSN Showbiz

Sarah gustong magkaanak ng kambal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May bulung-bulungan na possible raw lumipat na sa Kapamilya network si Sarah Lahbati pagkatapos nitong mag-perform sa ASAP noong isang linggo. “It was an amazing experience, ‘yung first time ko sa ASAP. Kung ano man po ang opportunity na dumating, open-minded po ako na tanggapin ‘yun at mag-work,” nakangiting pahayag ni Sarah.

Napapanood ang aktres kasama ang buong pamilya ng partner na si Richard Gutierrez sa reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez. “Actually maraming eksena na makikita sa amin nina Chard at Zion na hindi nakikita sa ‘min. You know, like sa buhay namin like candid moments, fun moments, sad moments, and troubles,” pagdedetalye ni Sarah.

Samantala, nangangarap daw ang aktres at maging si Richard na magkaroon din sila ng anak na kambal. “My dream was also to have twins but not right now. Zion is growing up so fast and he’s only two (years old). There are so many things going on and ang bilis niyang lumaki, ang dami niyang natututunan. So gusto ko po muna mag-spend ng time with him,” pagtatapos ni Sarah.

JK laging nakatawa ‘pag kasama si Kathryn

Masayang-masaya si JK Labajo dahil nailunsad ang kauna-unahan niyang solo album. Halos hindi raw makapaniwala si JK na natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling album. “’Yung tipong speechless ka po kasi no’ng lumabas na ‘yung album ko, I was so happy that I can’t even talk po eh. I’m so happy po at wala na po akong ibang masabi kundi thank you po,” bungad ni JK.

Naging inspirasyon daw sa paggawa ng mga kanta sa album ang totoong mga pinagdaanan ng batang singer-actor sa buhay. “Mga nangyari before. Siyempre may ibang songs po kasi do’n na hindi fit sa age ko. Kaya ginawa muna siyang jolly po na pang-kids,” pahayag ni JK.

Ilang teleserye na rin ang kinabilangan niya at ngayon ay talaga namang nae-enjoy daw ni JK ang kanyang karakter sa Pangako Sa ‘Yo. “Super excited po ako, ‘yung tipong sana po maraming sequence like in a day in Pangako Sa ‘Yo. Kasi parang nagugustuhan ko na po ‘yung acting,” giit ni JK.

Napahanga raw ang baguhang aktor sa bida ng serye na si Kathryn Bernardo. “Super bait po siya kasama tapos jolly. Tapos kapag kasama mo po siya, hindi mo maiiwasang mag-smile,” kuwento pa niya.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

ILANG

IT TAKES GUTZ

KAPAMILYA

KASI

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

PANGAKO SA

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with