^

PSN Showbiz

Fans ng JaDine at AlDub nagtutulungan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakatutuwa ang fans nina James Reid at Nadine Lustre at Alden Richards at Yaya Dub dahil nagtutulungan sa pagtu-tweet para mag-trending ang mga show ng dalawang love teams. May JaDine fans nina James at Nadine na fans ng AlDub at may fans ang AlDub na fans din ng JaDine.

Tumutulong ang JaDine fans para mag-trending araw-araw ang Kalye Serye ng AlDub love team and in return, tumulong din ang AlDub para mag-trending ang pilot episode ng On The Wings of Love. Halos 2M tweets ang nakuha ng soap nina James at Nadine sa unang airing nito.

Ang nakaaaliw pa, hindi magkakilala ang karamihan sa fans ng dalawang love teams, sa social media lang sila may interaction, pero nagkakaintindihan. Isang pakiusapan lang at nagtutulungan na.

Mas maganda ang ganito, magkakaibigan sa halip na magkakaaway para mas masaya.

Aliw pala si James nang sumakay sa MRT para lang hindi ma-late sa Kapamilya Awards noong Tuesday na ginawa sa Crowne Plaza Hotel. Galing sa MOA si James at dumalo sa ABE Event na kanyang ini-endorse.

Tickets sa concert ni Glaiza muntik simutin ng fans nila ni Rhian

Grabe pa rin ang powers ng fans ni Glaiza de Castro at Rastro fans nila ni Rhian Ramos kahit tapos na ang The Rich Man’s Daughter. Muntik mag-sold out ang ticket sa October 13 concert ni Glaiza sa Music Museum after 25 minutes itong ibenta. May fans si Glaiza sa abroad na bumili ng tickets online at uuwi para lang mapanood ang actress-singer sa kanyang first concert.

Gusto nga raw ng Music Museum na gawing two-night ang Dreams Never End, pero titingnan pa ang schedule nito dahil na-book na siya ni Allan K sa shows abroad.

Si Rico Gutierrez ang director ng concert ni Glaiza na as of today, si Jay-R pa lang ang kumpirmadong guest. Matatandaang ang record label ni Jay-R na Homeworx ang nag-distribute ng Synthesis album niya na bumenta nang husto.

Suggestion lang namin kay Glaiza at sa producers ng Dreams Never End, bakit hindi nila kuning guest si Rhian at Chynna Ortaleza na parehong kumakanta. In fact, nagra-rap pa si Rhian at si Chynna ay may all-female band named Lara Serena na tunay niyang pangalan.

Zanjoe hindi sinipot si Bea sa premiere night ng The Love...

Ang bouquet of flowers na ipinadala ni Zanjoe Marudo kay Bea Alonzo bago ang premiere night ng The Love Affair ang patunay na maayos pa rin ang relasyon ng dalawa. Ang kasamang note ng boquet of flowers na “Don’t worry it’s a sure hit! Kasi magaling ka.” at may sign na “Love Z,” ay lubos namang kinakiligan ng kanilang fans.

Kahapon ang regular showing ng Star Cinema movie na ipinapalabas pa lang ang trailer ay alam nang magiging box-office hindi lang dahil sina Bea, Dawn Zulueta, at Richard Gomez ang mga bida, idagdag pang si Nuel Naval ang director.

Isa pang nagpapa-curious sa moviegoers ay ang eksenang hinawakan ni Richard ang left boob ni Dawn. Nagbiro si Richard na na-excite siya sa eksena, pero kinausap muna niya si Dawn kung okey lang na gawin nila ang eksena.

Rocco babad sa primetime

Nag-post si Rocco Nacino sa Instagram (IG) ng picture nila ni Mark Herras at ibinalitang nasa pictorial sila at plug shoot ng StarStruck 6. Sa presscon ng Beautiful Strangers, nabanggit ni Rocco na isa siya sa co-host ng reality show. Excited siya dahil dito siya nagsimula at ngayon ay co-host na nga siya.

Kaya lang, kung co-host si Rocco sa StarStruck at may Beautiful Strangers pa siya, parang dalawang beses siyang mapapanood sa primetime.

Si Rico Gutierrez ang director ng StarStruck, kaya alam naming in good hands ang show. Si Dingdong Dantes pa lang ang kumpirmadong host dahil ang mga nabanggit na female co-host gaya ni Sarah Lahbati ay wala na sa GMA 7 at si Megan Young ay may MariMar.

vuukle comment

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

DREAMS NEVER END

FANS

GLAIZA

LANG

MUSIC MUSEUM

NBSP

RHIAN

ROCCO

SI RICO GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with