^

PSN Showbiz

Japanese porn actress naimbyerna! Robin tinawag na unprofessional ni Maria Ozawa

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Napadaan si Willie Revillame sa pictorial at plug shoot ng StarStruck 6 kamakalawa ng hapon.

Nagkita sila roon ni Tito Joey de Leon na isa sa mga judge at sandali silang nagkatsikahan.

Matagal nang wish ni Willie na magkasama sila ni Tito Joey sa isang project, pero wala pang nabubuo.

Gusto pa nga sana niyang magkainterbyuhan sila ng one on one sa Startalk, o mapadaan si Tito Joey sa Wowowin, pero hindi naman nangyayari.

Sabi pa ni Willie, kung sakaling bibigyan daw siya ng GMA 7 ng isa pang show, ang gusto sana niya ay sitcom kasama si Tito Joey at Manny Pacquiao.

PAK: Bukod sa isyu sa kapatid niyang si Jam Melendez, sinagot na rin ni Aiko Melendez ang intriga kay G Toengi kung saan nagkomento raw ito kung ano’ng award-giving body at kung saan daw ba iyon link.

Sagot ni Aiko nang tanungin din siya sa story conference ng pelikula niyang Balatkayo (The OFW Story); “Gusto ko pa rin intindihin si G dun sa statement niya na hindi niya mahanap ‘yung link dun sa pagkapanalo ko ng Best Actress sa London.

“Gusto ko pa rin lawakan ang pag-iisip ko na nung na-Facebook niya ‘yun, nag-ask siya na ano daw bang award-giving body ‘yung napanalunan namin sa Asintado, kung gawa-gawa daw ba ‘yun o ano.

“I always believe na kapag meron akong kapwa Pilipino na nanalo sa ibang bansa, you should be happy because you’re carrying our country’s name. Ako, kesehodang napakaliit pa ‘yan na award-giving body sa ibang bansa, you should be happy.

“And I would like to think na someday, sana ‘pag nagka-award din si G Toengi sana maging masaya din tayong lahat,” sabi ni Aiko.

BOOM: Naintindihan si Robin Padilla ng fans kung hindi na niya itutuloy ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Nilalang na dapat kasama si Maria Ozawa.

Pero ang Japanese porn star na si Maria ang tila hindi na-get ang desisyon ng aktor kaya nag-post siya sa kanyang Instagram account at tinawag na unprofessional si Robin.

Aniya; “It’s not that I really wanted to film with robin but I think it was so unprofessional of him to call it off 10 days before the shooting starts…I feel so sorry for the film directors, staff…etc.”

Pinutakte tuloy si Maria ng mga panlalait mula sa mga follower ni Robin dahil hindi raw nito naintindihang mas priority ng aktor ang pamilya kesa sa trabaho.

Pinagbe-bed rest si Mariel Rodriguez ng doktor dahil inoobserbahan pa rin ito kung talagang triplets nga ba ang ipinagbubuntis niya.

vuukle comment

ACIRC

AIKO

AIKO MELENDEZ

ANG

BEST ACTRESS

G TOENGI

JAM MELENDEZ

KUNG

MARIA OZAWA

TITO JOEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with