^

PSN Showbiz

Megastar Sharon Cuneta bibigyan ng tribute, JaDine at Kathniel magtatapat sa ASAP!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pinaka-malaking Kapamilya event ay magaganap na ngayong Linggo (August 9). Saksihan ang pagsasama-sama ng pinaka-sikat na bituin sa pangu­nguna ng multi-awarded cast ng The Love Affair na sina Richard Go­mez, Dawn Zulueta, at Bea Alonzo. Magpapakilig naman sa ASAP stage ang Teen King  at Teen Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng Pangako Sa’yo at ang trending tandem nina James Reid at Nadine Lus­tre sa inaabangang romantic teleserye na On the Wings of Love. Lalo pang magniningning ang inyong panonood sa powerhouse tribute na igaga­wad sa nag-iisang Megastar Sharon Cuneta kasama ang music icons na sina Rey Valera, Rico J. Puno at ang ABS-CBN Philharmonic Or­chestra. 

May makatindig-balahibong back-to-back world-class mu­sical number ang Pop­star Royalty na si Sarah Ge­ronimo at OPM rock icon na si Bamboo. Ultimate concert treat naman ang hatid nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Erik Santos, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Kyla, Klarisse De Guzman, KZ Tandingan, Jason Dy, Daryl, at Nina.

Kwelang ASAP Karaokey ang pabaon nina Luis Manzano at Alex Gonzaga katunggali sina Ate Gay at Negi. Tatapak din sa ASAP Stage ang YouTube sensation na si Maria Sofia Love. Dapat ding abangan ang pinakamalaking paghaharap sa balat ng telebisyon – Team Panaenae Boys versus Team Pabebe Girls. 

Hahataw ng Supahdance extreme showcase sina Kim Chiu, Rayver Cruz at Maja Salvador. Magliliyab ang Supahdance floor sa nakakapasong galaw nina Arci Munoz, Bela Padilla, Michelle Madrigal, at Sarah Lahbati. 

Patuloy ang pagdagsa ng mga bituin sa back-to-back treat mula sa The Voice Kids Season 2 hopefuls na sina Lyca  at Darren; Kapamilya child wonders na sina Jana Agoncillo at Josh De Guzman ng Ningning,  Rhed at Ashley mula sa FlordeLiza fame at ang cute na anghel sa Nathaniel na si Marco Masa kasama si Yesha. Magpapakilig din ang teen love teams nina Joshua Garcia at Loisa Andalio; Marco Gumabao at Jane Oineza; Diego Loyzaga at Maris Racal;  Sofia Andres at Anjo Damiles; Inigo Pascual, at Julia Barretto. 

 

 

vuukle comment

ACIRC

ALEX GONZAGA

ANG

ANGELINE QUINTO

ANJO DAMILES

ARCI MUNOZ

ATE GAY

BEA ALONZO

BELA PADILLA

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with