^

PSN Showbiz

Anjo may bagong karelasyon, dating asawang si Jacqui Manzano flight stewardes na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May ibang karelasyon na umano ang TV host-actor at dating konsehal ng Parañaque na si Anjo Yllana na matagal nang hiwalay sa kanyang misis, ang dating actress-turned flight attendant na si Jacqui Manzano-Yllana.

Unang nagkatrabaho ang estranged couple na sina Anjo at Jacqui sa pelikulang Milyonaryong Mini in 1996.

Taong 2008 naman sumabog ang balitang nagkaka­labuan na umano ang mag-asawa na malamang nauwi sa kanilang divorce proceedings.

Ayon sa balita, naging mutual umano ang hiwalayan ng dating mag-asawa alang-alang sa kanilang apat na anak. Nasa poder ni Jacqui ang kanyang mga anak at malaya namang nakakasama ni Anjo ang mga bata kapag ginusto nito. Kapag may flight si Jacqui ay na kay Anjo ang mga bata.

Magkaibigan pa rin ang turingan hanggang ngayon ng da­ting mag-asawa.                 

May sakit na Stage 3a cancer gustong ipagpatuloy ang pag-aabogado

Parating ng Maynila ang daughter kong si Aila Marie from Tok­yo, Japan kung saan na siya naka-base at nagtatrabaho, for a week-long business trip. Pero gaano man ka-tight ang kanyang schedule ay gagawa siya ng paraan na makita, madalaw, at mayakap ang kanyang best friend at parang tunay na kapatid na si Rochelle “Roxyn” Ignacio (22) now suffering from stage 3a breast cancer.

Si Roxyn ang nakatakdang magpatuloy sa unang pangarap noon ni Aila na ma­ging isang corporate lawyer na hindi natuloy nang mag­desisyon siyang mag-aral ng college at magtrabaho sa Japan.

Si Roxyn ay nagtapos ng Psychology sa University of the Philippines as her pre-law at papasok na sana siya this August sa Ateneo de Manila University for her law proper nang dumating naman ang hindi niya inaasahang sakit.

Kahit naoperahan na si Roxyn last July 28, ma­bilis na nag-escalate from stage 2 to stage 3a ang kanyang sakit kaya pa­tuloy na humihiling ang kanyang pamilya at mga kaibigan lalung-lalo na si Aila ng dasal na sana’y gu­maling at malagpasan lahat ni Roxyn ang mga pagsubok na kanyang kina­kaharap ngayon.

Kahit busy sa kanyang trabaho, hindi humihinto si Aila sa patuloy na pakikipag-communicate sa kanyang best friend at sa mga magulang nitong sina Ferdie at Bambi Ignacio kaya updated siya sa status ng kalagayan ng kanyang matalik na kaibigan.

vuukle comment

ACIRC

AILA

ANG

ANJO

JACQUI

KANYANG

NBSP

ROXYN

SHY

SI ROXYN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with