^

PSN Showbiz

Pareho kasing ayaw umamin Fans nag-iilusyon na magkatuluyan sina Megan at Tom

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa umeere sa GMA 7 ang remake ng Mari Mar pero may mga humuhula na may tsansa na ma-develop ang feelings nina Megan Young at Tom Rodriguez para sa isa’t isa.

Puwede raw mangyari kina Megan at Tom ang nangyari noon kina Marian Rivera at Dingdong Dantes na nagsimula ang romansa sa set ng Mari Mar.

Why not? May karapatan ang fans na mag-ilusyon na mauwi sa katotohanan ang loveteam nina Megan at Tom dahil pareho sila na hindi umaamin na may mga karelasyon at inspirasyon.

Walang kinukumpirma si Tom na boyfriend siya ni Carla Abellana at never umamin si Megan na girlfriend ito ni Mikael Daez, kahit nakikita sila na palaging magkasama.

Ito ang risk kapag hindi inaamin ng mga artista na may mga karelasyon sila. Nagkakaroon ang fans ng pag-asa na magkakatuluyan ang mga loveteam na kanilang sinusuportahan dahil pinaniwala sila na mga single o walang katsugihan ang favorite stars nila.

Carla dapat maghanda, nanganganib kay Tom

Napansin ang malakas na chemistry nina Megan at Tom sa pictorial nila para sa Mari Mar sa Calatagan, Batangas.

Dapat ihanda ni Carla Abellana ang sarili sa mga isyu at intriga na susubok sa katatagan ng relasyon nila ni Tom, lalo na’t wala silang inaamin tungkol sa kanilang inililihim na love affair dahil what you see is what you get din ang drama nila.

Hindi nga maintindihan ng ibang tao kung bakit kailangang maglihim nina Carla at Tom eh hindi raw naman sila mga kaedad nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Barbie Forteza, etc. na may dahilan para maging secretive dahil mga bagets pa.

Megan hindi proud sa ‘relasyon’ nila ni Mikael?!

In fairness kay Mikael Daez, nagkuwento siya noon sa selected members ng press na may relasyon sila ni Megan pero off the record ang kanyang pag-amin.

Ito ‘yung panahon na kapapanalo pa lang ni Megan bilang Miss World.

May pralala pa noon si Mikael na may big announcement sila ni Megan kapag natapos ang reign nito pero hindi nangyari. Kung bakit, tanging sila lamang ang nakakaalam.

Wondering lang ang mga reporter na nakatsikahan portion noon ni Mikael dahil pagkatapos umamin sa kanila, muling naging mailap ang aktor sa pag-amin na boyfriend siya ni Megan.

Lorna masayang nakapagpahinga sa pagluha ng balde-balde

Reminder sa lahat, bukas ang airing ng pilot episode ng Misterless Misis, ang sitcom ng TV5 na pinagbibidahan ni Lorna Tolentino.

For a change, magpapatawa sa Misterless Misis si LT at hindi na ito bago sa kanya dahil nakagawa na siya noon ng mga comedy movie tulad ng Pusong Mamon.

Never na nahirapan si LT sa taping ng Misteless Misis dahil walang mga eksena na nag-require sa kanya na lumuha ng balde-balde, magpakita ng galit, etcetera.

Once a week din ang taping kaya marami pa siyang nagagawa.

Magaan ang pakiramdam ni LT sa set dahil masa­yahin ang kanyang mga co-star, sina Gelli de Belen, Ruffa Gutierrez, at Mitch Valdes na kasama niya sa tent. Makaka-relate sa role ni LT sa Misterless Misis ang maraming misis ng tahanan, single parent man o hindi.

Masaya na umuuwi ng bahay si LT kapag natatapos ang taping niya para sa Misterless Misis dahil hindi mabibigat at madadrama ang mga eksena.

Tawa lang sila nang tawa ng mga kasamahan niya sa it’s a must to watch sitcom ng TV5.

vuukle comment

ANG

CARLA ABELLANA

DAHIL

HINDI

MARI MAR

MEGAN

MGA

MISTERLESS MISIS

NBSP

SILA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with