^

PSN Showbiz

Mariel pumatol sa follower, natural daw ang pagbubuntis niya Aiko ayaw tulungan ang kapatid!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Pumirma si Alden Richards ng movie contract sa APT Entertainment. Lalong gumagan­da ang career ni Alden dahil sa tulong ng AlDub tan­dem nila ni Yaya Dub. Ang nakakaloka pa, napakaseloso ng fans nila, at ayaw nilang ma-link sa iba si Alden kundi kay Yay Dub lang.

Kaya lang hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nagkikita sina Alden at Yaya Dub dahil nasa iba’t ibang barangay ang location na pinupuntahan ng huli kasama sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Wally Bayola bilang Lola Nidora.

Sabi pa naman nina Jose at Wally, matagal-tagal pa ang tatakbuhin ng Kalyeserye nila, kaya hindi pa rin sila muna puwedeng magkita.

PAK: Sinagot ni Mariel Padilla ang isang follower niya sa Instagram na nagdududang produkto ng In Vitro Fertilization ang ipinagbubuntis niya ngayon.

Sabi ni Mariel, “I seriously can’t believe it, Oh my gosh!! Because we didn’t do IVF…we didn’t take special medicine to produce more eggs…it’s all GOD’s gift!!! I’m so happy!” Sinagot naman ni Robin ito ng; “God will make a way when it seems to  be no way @marieltpadilla”

Nag-post si Mariel ng Instavideo nila ni Robin na parang nagpa-para­sailing sila sa Nice, France. Sumisigaw si Mariel ng “I hope I’m pregnant!” at tama nga siya.

Ngayon ay maingat na maingat daw ang actress/TV host, at sinasabi niyang hindi na siya halos naggagagalaw para maganda ang kapit ng baby.

Wala pa silang kumpirmasyon kung twins o triplets ang ipinagbubuntis niya.

BOOM: May sariling rason si Aiko Melendez kung bakit hindi niya sinasagot ang hiling ni Deborah Sun na tulungang mapa-rehab ang kapatid nitong si Jam Melendez.

Pati ang ilang malalapit nilang kaibigan ay naintindihan si Aiko dahil aware naman sila kung paano magbigay ng tulong ang aktres sa kanyang kapatid.

Dapat nga naman daw na tulungan naman ni Jam ang sarili niya at pati na rin daw si Deborah.

Ang pagkakaalam namin, nangangailangan lang si Deborah ng 13,500 pesos para pang-downpayment muna sa pagpapa-rehab kay Jam.

Natatakot na raw kasi si Deborah na ilabas pa uli si Jam dahil hindi na raw ito halos nakakakilala at baka mabugbog pa raw siya uli.

vuukle comment

ACIRC

AIKO MELENDEZ

ALDEN RICHARDS

ANG

DEBORAH SUN

IN VITRO FERTILIZATION

JAM MELENDEZ

JOSE MANALO

MARIEL

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with