^

PSN Showbiz

Lovi nagpagulung-gulong nang ma-rape

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dalawang karakter ang ginagampanan ni Lovi Poe sa Beautiful Strangers bilang sina Joyce at Lea, pero mas nahirapan siya sa mga eksena ni Lea. Madalas umiiyak ang mga eksena nito at halos lumuwa na ang mga mata niya sa kaiiyak.

Pero walang reklamo si Lovi at excited na sa August 10 na pilot airing ng Beautiful Strangers dahil unpredictable raw ang mga eksena.

Natuwa si Lovi sa narinig na pinuri siya ni Christopher de Leon lalo na sa rape scene dahil kahit nagpagulung-gulong siya ay wala pa rin itong reklamo. Si Lovi rin ang nagsabi kay Boyet to rip her clothes para maganda ang rehistro ng eksena sa TV.

Masaya palang ibinalita ni Lovi na maayos na ang daliri niyang kinagat ng kanyang asong si Seth

Ang dami niyang anti-rabies shots, pero hindi pa rin siya na-trauma at na­dagdagan pa ang pet dogs niya. Apat na ang pet dogs ni Lovi at isang cat na pinangalanan niyang Felina.

Sa UP nakita nina Lovi at Rocco Nacino si Felina na muntik nilang masagasaan.

AlDub naka-tatlong linggo na

Big day ngayon sa AlDub fans nina Alden Ri­chards at Yaya Dub dahil 3rd weeksary ng love team na ipinanganak sa Eat Bulaga.

Sobrang involved ang fans sa AlDub at sa kanila galing ang terms of endearment ng AlDub na Hany for Yaya Dub (galing sa Hany chocolate na gift ni Alden) at Bae kay Alden. Ang fans rin ang namili na God Gave Me You ang theme song ng AlDub na isa sa dina-dubsmash ni Alden.

Bianca maligaya sa piling ni fabio

Kabilang sa cast ng On The Wings of Love ng ABS-CBN si Bianca Manalo bilang si Tiffany Olivar, ate ni Nadine Lustre. Nakakasama na si B­ianca sa taping, pero nang mapanood ang teleserye nina James Reid at Nadine, pati siya ay kinilig sa magka-love team. Binati rin niya sina directors Jojo Saguin at Antoinette Jadaone sa mahusay nilang pagkakadirehe sa serye.

Feeling lucky si Bianca na mapasama sa cast at makatrabaho hindi lang ang JaDine love team, pati na sina Joel Torre, Nanette Inventor, Cherry Pie Picache at buong team ng On The Wings of Love  na sa August 10, ang airing.

Samantala, masaya ang love life ni Bianca at masaya siya sa piling ng boyfriend niyang si Fabio Ide. Perfect couple ang dalawa na ang tawag ng kanilang mga kaibigan ay “Beautiful Couple” na totoo naman.

Gabbi first time nasampal si Ruru

May pelikula na rin si Gabbi Garcia, sa indie film na Sa Mga Isda Sa Tuyong Lupa ng BG Productions International. Hindi pa namin alam ang role ni Gabbi sa pelikulang pinagbibidahan ni Barbie Forteza kasama sina Rodjun Cruz, Suzette Ranillo, at Perla Bautista sa direction ni Louie Ignacio.

Samantala, ending na ng Let the Love Begin bukas, isa sa memorable scene ni Gabbi ay nung sinampal niya si Ruru dahil first time niya itong ginawa sa ka-loveteam.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RI

ANG

ANTOINETTE JADAONE

BARBIE FORTEZA

BEAUTIFUL STRANGERS

BIANCA

GABBI

LOVI

ON THE WINGS OF LOVE

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with