^

PSN Showbiz

Halos isang linggong hindi nakakain aktres na-trauma sa ‘halik’ ng salagubang

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

 

Nakakaaliw magkuwento ang isang aktres na kadalasa’y kontrabida ang ginagampanang papel sa mga serye. Kontrabida siya sa telebisyon at pelikula pero sa tunay na buhay ay ibang-iba ang kanyang kanaturalan.

Totoong tao siya, marunong makisama, tapat din siyang kaibigan at wala sa kanyang diksiyunaryo ang pangtatraydor. ‘Yun ang dahilan kung bakit ang grupo nila ng mga kapwa niya artista ay solidung-solido pa rin hanggang ngayon.

May bahay siya dito at meron din sa Amerika. Kapag wala siyang maraming proyekto ay naglalagi muna siya sa ibang bansa kung saan siya may negosyo.

Sa kanilang probinsiya sa bandang Norte ay meron na siyang malawak na farm. May moderno rin siyang poultry na naka-aircon. Maagang natuto sa buhay ang aktres, masinop siya sa pera, nabibili niya naman ang kanyang mga gusto pero marunong siyang pumreno kung hanggang saan lang siya puwedeng gumastos.

Kapag panahon ng mangga ay halos milyon ang kanyang pinagbibilhan. Napapalibutan kasi ng mga punong-kahoy ang malawak niyang farm, hindi kayang lakarin ang sobrang laki ng kanyang lupain, gumagamit siya ng golf cart.

Isang araw ay niyaya siyang magpunta sa isang kilalang clinic ng kanyang mga kaibigan. Ayaw na ayaw niyang magparetoke ng kahit anong parte ng kanyang mukha, pero hindi siya nakatanggi sa mga kaibigan niya, lips lang daw ang ipagagawa nila.

Totoo nga. Labi lang ang ipinagawa nilang magkakaibigan, Jennifer Lopez lang ang kanilang peg, umuwi siya sa probinsiya na magang-maga ang kanyang mga nguso.

Anihan ng mangga nu’n, may papakyaw ng kanyang mga produkto, kailangan siyang magpunta sa bukid para desisyunan ang pagpepresyo. Nag-face mask siya dahil magang-maga pa ang mga labi niya, nahihiya siyang makipagkuwentuhan nang namamarilong ang mga lips niya, mabilis na natapos ang tawaran.

Katatanggal pa lang niya ng takip ng kanyang bibig nang may marinig siyang umuugong. Palipad-lipad ang malaking insekto, iwas naman siya nang iwas, dahil sa ipinaretoke niyang labi.

Pero siya pala talaga ang puntirya ng insekto, dumapo ‘yun sa kanyang bibig, hindi naman siya kinagat pero grabe ang ginawang pang-iipit nu’n sa namamaga niyang labi.

Ang salagubang! Kapag nakakakita siya ngayon ng salagubang ay tumatakbo na siya. Limang araw kasi siyang hindi nakakain nang pupugin ng insekto ang magang-maga niyang lips.

Itago natin ang pangalan ng bumibidang aktres sa mga unang letra ng kanyang pangalan at apelyido—IR. Ubos!

Jolo walang kalaban?!

Sa ngayon ay wala pang lumulutang na makakalaban sa pagka-vice-governor ng Cavite si VG Jolo Revilla. Maaga pa naman kasi, sa Oktubre pa ang pagsusumite ng kandidatura ng mga tatakbong pulitiko, pero siguradong meron.

Hindi ‘yun ang prayoridad ni VG Jolo. Lahat ng puwede niyang maitulong sa kanyang mga nasasakupan ay ‘yun ang kanyang inuuna. Nag-iikot siya palagi sa buong probinsiya para alamin kung anu-ano ang mga problema ng mga Caviteño na puwede niyang masolusyunan.

Magiging abala ang pamilya Revilla sa darating na halalan. Tatakbong mayor ng Imus si Congresswoman Lani Mercado kahit pa maraming nagtutulak sa kanya para kumandidatong senador, si Mayor Strike naman ang tatakbo bilang congressman sa kanilang distrito, dating posisyon ang tatakbuhin ni VG Jolo.

Nakakalungkot lang na nakapiit pa hanggang ngayon ang pinakaulo ng pamilya Revilla. Kung kailan naman kailangang-kailangan ang ayuda ni Senador Bong Revilla ay hindi nito malayang maibibigay ‘yun sa kanyang anak at asawa.

Kahit saan ay malakas ang ikot ng mga balita na pagkatapos pa ng halalan madedesisyunan ang kanilang kaso ni Senador Jinggoy Estrada.

Kailangang nasa loob pa rin sila hanggang hindi natatapos ang eleksiyon, nakatali ang kanilang mga kamay, limitado ang kanilang galaw.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAVITE

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

HINDI

JOLO

KANYANG

KAPAG

MGA

SIYA

SIYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with