^

PSN Showbiz

Juday maingat sa mga ibinibigay sa pamilya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Masaya si Judy Ann Santos-Agoncillo, brand ambassador ng RiteMed ng dalawang taon na, na mag-endorse ng isang brand na pinagkakatiwalaan niya at ang matagpuan ang isang kumpanya na binibigyan siya ng pagkakataong makagawa ng pagbabago sa buhay ng kapwa Pilipino.

Tunay na isinasapuso ng aktres, na ngayon ay buntis ng kanyang pangatlong anak, ang mensahe ng kanyang pinakabagong commercial — Maging Ligtas sa Duda’. Bilang family woman, hindi binabalewala ni Juday ang paninigurado sa kaligtasan ng kalusugan ng mga anak niya at asawa.

Mula sa mga inihahanda niyang pagkain hanggang sa mga gamot o vitamins na pinapainom sa kanila, maingat si Judy Ann sa kanyang pinipili. Gaya ng binanggit niya sa TV commercial, dapat bigyang pansin ang kahit kaunting duda, para maiwasan ang pagkabahala at mga panganib na maaaring mangyari. Bilang asawa, ina, at chef, kalidad at kaligtasan ang itinataguyod ni Juday.

Sa TV commercial, isang babae sa botika ang nalilito kung kalidad ang kanyang hawak na gamot. At saka lumitaw si Judy Ann upang magbigay babala sa babae na wag balewalahin ang kanyang duda, at iwaksi ito sa pamamagitan ng pagbili ng may kalidad na produkto ng RiteMed.

“Ang high quality, hindi nito kailangang maging mahal. It can be affordable. Ang importante, healthy at safe ang mga products na ito for my family. Madalas kung ano pa ang mura, ‘yun pa ang mas effective. Gaya na lang sa pagluluto. You can substitute expensive ingredients with affordable, pero healthy at high quality din,” dagdag ni Judy Ann.

Kamakailan lang ay nag-launch ang actress/TV host ng kanyang cookbook, ang Judy Ann’s Kitchen, na naglalaman ng mga paborito niyang recipes (mula comfort food hanggang sa mga snacks para sa mga bata). Ayon sa kanya, conscious effort ang gawing simple ang mga ito para hindi magmukhang mamahaling gourmet cuisine. “Ayokong ma-intimidate ang mga tao eh. Gusto ko, easy-to-do ang recipes, so anyone can try it,” sabi ni Chef Judy Ann.

Maaaring may kasunod ang kanyang cookbook. At ayon sa kanya ito ay magiging tungkol sa healthy cooking and eating. Dagdag pa ni Judy Ann, mas naging conscious sila ni Ryan sa pagsasabuhay ng isang healthy and active lifestyle.

Nagpapasalamat din si Judy Ann sa RiteMed sa pagsuporta sa kanyang cookbook project. Ayon sa kanya, “I am just so happy that I found a company that takes care of my needs just like a family. I am thankful to be part of the RiteMed family. They are very supportive. Madaling kausap.”

Naniniwala rin si Judy Ann na mapalad siya na mabigyan ng pagkakataong tumulong sa kapwa Pilipino na makabili ng abot-kaya at may kalidad na gamot.

Ang RiteMed, na ni-launch noong 2002, ay ang nangungunang unibranded line ng gamot sa buong Pilipinas. Komprehensibo ang portfolio ng mga gamot nito mula sa therapeutic hanggang sa over-the-counter na gamot. Kamakailan lang, ni-launch ang RiteMed app kung saan makikita ang availability ng mga produkto nito. Maaari itong ma-download sa Google Play Store para sa Android.(BR)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANN

AYON

BILANG

CHEF JUDY ANN

GAYA

JUDY

JUDY ANN

KANYANG

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with