^

PSN Showbiz

Sen. Grace, Rep. Romulo, at Shalani nag-party pagkatapos ng SONA

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Star-studded ang ika-15th anniversary celebration ng pangunahing entertainment magazine, ang YES! Magazine ng Summit Media na ginanap sa Crowne Plaza Ballroom noong nakaraang Lunes, July 27 na pinangunahan ni Sen. Grace Poe-Llamanzares na nanggaling sa SONA ni P-Noy.  Dumalo rin sina Rep. Roman Romulo at Shalani Romulo na diretso rin from SONA, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang new child wonder na si Alonzo Muhlach kasama ang amang si Niño Muhlach, ang child actor na si David Remo, Sunshine Cruz, Diana Zubiri and husband Andrew Smith, Bernadette Allyson, James Blanco, Comedy Queen AiAi delas Alas, ang mga top executives ng GMA na pinangunahan ng chairman na si Atty. Felipe Gozun, stars and talents ng tatlong TV networks – ABS-CBN, GMA, and TV5 at maraming iba pa.

Ang YES! Magazine ay pinamumunuan ng pa­ngulo ng Summit Media na si Lisa Gokongwei-Cheng at ng editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon.

Senador Chiz tsika-tsika na sa mga magulang ni Heart

Tanggap na tanggap na ng pamilya ni Heart Evangelista ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero at isinantabi na nila ang kanilang pagkadisgusto sa batang senador na naging dahilan ng hindi pagdalo ng parents ni Heart sa kanilang kasal last February 15.

Bukod sa dinner ng parents ni Heart sa kanilang bahay, kasama ni Sen. Chiz ang kanyang ina na dumalo sa kaarawan recently ng ama ni Heart na si G. Rey Ongpauco, isang magandang indikasyon na all’s well that ends well sa pagitan ng parents ni Heart at ng kanyang mister.

Hindi ikinakaila ni Heart na masayang-masaya siya sa turn of events dahil matagal niya itong dinasal sa Diyos na dininig naman.

Isa si Heart sa mga stand-outs sa SONA ni P-Noy including Rep. Lucy Torres-Gomez at ang misis ni Rep. Anton Lagdameo na si Dawn Zulueta. Napakaganda rin ni Kris Aquino at ng kanyang kasuotan.

Marian six months na ang baby sa tiyan pero seksing sexy pa rin!

Kahit six months na ang ipinagbubuntis ngayon ng misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera ay hindi pa rin halos malaki ang tiyan nito.

Kitang-kita sa mukha ng mag-asawa na masaya ang kanilang pagsasama lalupa’t meron na silang inaabangang magiging bagong karagdagan sa kanilang binubuong pamilya.

Dahil magkakaroon na sila ng baby ni Marian, lalong inspired si Dingdong sa kanyang trabaho at sa kanyang negosyo.

May mga lumulutang na balita na isa umano si Dingdong sa mga kinu-consider ng administrasyong Aquino sa line-up sa pagka-senador pero ito’y ilang beses nang pinabulaanan ng actor na consistent sa pagsasabing wala siyang balak pumasok sa pulitika.

Samantala, kahit buntis, pinayagan ni Dingdong ang kanyang misis na magtrabaho tulad ng bago nitong sisimulang bagong program sa GMA, ang Sunday show na makakapalit ng Sunday All Stars, ang Sunday PinaSaya na magsisimula na sa August 9.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

ANDREW SMITH

ANG

ANTON LAGDAMEO

BERNADETTE ALLYSON

CHIZ ESCUDERO

COMEDY QUEEN

DINGDONG DANTES

HEART

MARIAN RIVERA

SUMMIT MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with