^

PSN Showbiz

Di ‘raw nagbibigay ng datung Paulo pinabayaan na ang love child kay LJ!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sana hindi totoo na nawawalan na ng panahon si Paulo Avelino para sa kanyang anak kay LJ Reyes. Mati-take pa ito ng Kapuso actress dahil aware naman siya sa kaabalahan ng ama ng ka­n­yang anak. Pero ang hindi niya ma-take ay ang hindi nito pagbibigay ng sustento sa kanilang anak.

Kung kailan naman marami nang proyekto ang aktor at saka siya walang perang naibibigay sa kan­yang anak? Kaya kayod marino ngayon si LJ. Walang role itong tinatanggihan. Basta puwedeng pagkakitaan ay okay siya.

Kaya Paulo, take note. May obligasyon ka sa anak mo. Pagkatapos ng iyong trabaho, isunod mo siya. Huwag na huwag kang maging delinquent father at baka mawala ang magandang suwerte mo.

Ina mas pinili ang pagbabalik-showbiz kaysa sa pamilya

Hindi pa man nababasa ni Ina Raymundo ang character sketch ni Brenda Aldama, agad na niyang tinanggap ang nasabing role kahit na ang kapalit nito ay ang pagsasakripisyo niya ng kanyang oras sa kanyang pamilya. Kuwento ni Ina sa aming interview noong first taping nila para sa Mari Mar, nakatakda sana siyang lumipad patungong China para suportahan ang kanyang anak sa laro nito sa baseball. Nakahanda na nga raw lahat maging ang kanyang ticket para sa nasabing trip, ngunit nang i-offer sa kanya ng Kapuso Network ang role, agad niyang tinanong ang kanyang asawa’t anak kung maaari niya bang tanggapin ang project.

Masayang-masaya naman si Ina sa kanya ng naging desisyon at sa kanyang pagbabalik-Kapuso.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

BRENDA ALDAMA

INA

INA RAYMUNDO

KANYANG

KAPUSO

KAPUSO NETWORK

KAYA PAULO

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with