^

PSN Showbiz

Martin ‘nakikisawsaw’ sa concept ng concert nina Karylle, Isabella, Paolo, at Robin

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa tagumpay ng Next Attraction concert last July 4, 2015 na ginanap sa Music Museum in Greenhills, San Juan City, magkakaroon ito ng two-night repeat concert sa nasabi ring lugar on August 14 & 15, 2015 na produced pa rin ng DSL Events & Production House na pinamumunuan ng concert queen na si Pops Fernandez.

Ito ay tinatampukan ng apat na mga anak ng music icons na sina Karylle, Isabella, Paolo Valenciano, at Robin Nievera. 

Inamin nina Paolo at Robin na matagal nang nagka-crop-up ang idea na pagsama-samahin silang apat in one concert pero naisakatuparan lamang ito nang si Pops na mismo ang nag-produce.

Si Paolo rin ang tumatayong stage director habang si Robin naman ang musical director.

“Lahat kaming apat ay tulung-tulong sa concept ng show but Tito Martin (Nievera) throw-in some talking points,” ani Paolo.

Bilang concert director ay naidirek na ni Paolo ang kanyang amang si Gary V., Lea Salonga, Toni Gonzaga, Sam Concepcion, Jericho Rosales at maraming iba pa.

Mukhang siya na ang sumusunod sa mga yapak ng kanyang ninong na si Rowell Santiago na in-demand bilang concert director.

Kung na-reinvent ni Paolo ang kanyang sarili bilang concert director, si Robin naman ay nagi-expand din ng kanyang talent sa pagku-compose, pagpu-produce ng album at pagiging musical director. 

Ibinihagi rin sa amin ni Karylle na natututo na umano siyang mag-compose sa tulong na rin ng kanyang mister na si Yael Yuzon ng Spongecola.

Samantala, umaasa ang magkakaibigang Karylle, Isabelle, Paolo, at Robin na magkaroon ng tour ng Next Attraction hindi lamang sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Pops inamin na ang karelasyong negosyante!

Unknown to many, Pipay (as Pops Fernandez is fondly called by friends) is into a relationship sa isang non-showbiz guy na may initial na pangalang NB, isang businessman.

Since hindi taga-showbiz ang boyfriend ni Pops at isa itong pribadong tao, ayaw niya itong ma-drag sa mga showbiz talk.

Natatawa na lamang si Pops at ang kanyang non-showbiz boyfriend sa mga lumutang na balita linking her to a well-known politician na taga-Norte na nagkataon namang kaibigan talaga ng ex-wife ni Martin Nievera.

Dahil businessman ang bagong boyfriend ni Pops, nakakatulong ito sa mga business decisions ni Pops bilang concert producer.

vuukle comment

ANG

CONCERT

DAHIL

GARY V

JERICHO ROSALES

KARYLLE

LEA SALONGA

NEXT ATTRACTION

POPS

POPS FERNANDEZ

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with