^

PSN Showbiz

AiAi may trabaho agad kahit hindi pa pumirma ng kontrata

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ngayong Lunes ang bagong schedule ng storycon ng Let The Love Begin na launching series nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Tiniyak sa amin na ka­sama sa cast sina AiAi delas Alas at Ariel Rivera, ito’y kahit hindi pa nakakapirma ng kontrata sa GMA Network si AiAi.

Hindi kaya isabay ng storycon ang pagpirma ng kontrata ni AiAi o nakapirma? Ang role raw nito ay mother ni Ruru at si Ariel nama’y father ni Gabbi. Hindi sina AiAi at Ruru ang magkapareha rito.

Hindi na kasama sa cast si Regine Velasquez. Nag-decline daw kasi ito, pero hindi na sinabi kung may kinalaman ang panawagan ng fans ni Songbird na ‘wag siyang isama sa series kung magiging suport lang siya.

Albert lalayo muna sa nanggugulo

Kasama ang father-in-law na si Romeo Vas­quez, mga anak, ang manager na si Shirley Kuan, at ilang close friend, nag-clebrate sina Albert Martinez ng 48th birthday ng asawang si Liezl Sumilang-Martinez sa isang dinner sa Spi­ces Restaurant sa Manila Peninsula.

Teleserye ang naka-line up na gawin ni Albert, pero pagbalik na nito mula sa bakasyon nila ng tatlong anak niya gagawin ang teleserye. Ayaw pang sabihin kung saang network gagawa ng teleserye ang aktor dahil inaayos pa.

Wala pa ring petsa kung kailan aalis sina Albert at kung saan sila pupunta ng kanyang mga anak para makapag-mourn properly, makapagpahinga, at lumayo muna sa kaguluhan sa paligid.

Tirso sinisisi ang sarili sa pagkakaroon ng lung cancer

Star-studded ang 62nd birthday ni Tirso Cruz III last Saturday evening na ginawa sa Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde at majority sa bisita ay hindi alam na dumaan sa matinding pagsubok ang aktor at ang pamilya nito.

Iyong pagpayat ni Pip ay dala pala ng operasyon niya ng lung cancer na stage 2 na pala. Napigilan ang pagkalat ng cancer nang sundin ang payo ng anak na si Bodie na magpa-check up sila ng asawang si Lyn at doon nakita ang lump sa kanyang lungs.

Hindi na pinatagal ng kanyang doctor sa St. Luke’s Medical Center, agad siyang inoperahan at sa harap ng mga bisita, in-announce ni Pip na cancer-free na siya. Sa tulong ito ng magagaling na doctor ng St. Luke’s na nasa birthday party/life celebration niya.

Pinasalamatan nito ang mga anak na sina Bodie, Djanin at TJ, prayer war­riors at pati ang press people na kahit nalaman ang kalagayan niya, hindi isinulat, kaya tahimik siyang nakapagpa-opera at nagpagaling.

Hindi lang ipinakita, pero sabi ni Pip, mahaba ang tahi niya sa dibdib at hindi na siya puwedeng maging bold star. Ang sarili ang sinisisi ni Pip sa pagkakasakit dahil teenager pa lang siya, naninigarilyo na siya.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MARTINEZ

ANG

ARIEL RIVERA

BODIE

GABBI GARCIA

HINDI

LET THE LOVE BEGIN

LIEZL SUMILANG-MARTINEZ

MANILA PENINSULA

ST. LUKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with