^

PSN Showbiz

Melanie Marquez hindi na malait sa pagiging cum laude

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami sa ating mga artista ay nagsisikap pa ring pumasok ng iskwela kahit pa may taglay na silang pangalan bilang artista at kumikita na ng malaki. Sila ang iilan sa mga naniniwala hindi panghabang-buhay ang pag-aartista at kailangan nilang i-secure ang kanilang future.

Si Marian Rivera ay isa sa masuwerteng nakatapos ng kolehiyo sa La Salle Dasmariñas. Meron siyang diploma para sa isang bachelor’s degree in Psychology. Ganundin si Maxene Magalona na nakatapos ng AB Social Sciences sa Ateneo. Tapos din ng kolehiyo si Alex Gonzaga. Ganundin si Bianca Gonzales-Intal. Pero ang tala­gang hahangaan mo ay ang dating beauty queen na si Melanie Marquez, na bagaman at inaalipusta natin da­hil sa kanyang pag-i-Ingles ay nakatapos ng Business Administration sa International Academy of Management and Economics (IAME) at may kara­ngalan pang cum laude. Balak din nitong kumuha ng abogasya na impluwensya ng kanyang mister na isang kilalang abogado sa US.

Marami pang kabataan ang nagtapos ng high school this year na sana ay maging inspirasyon nila para tapusin din ang kanilang kolehiyo.

Lance Raymundo bibida sa Senakulo

Si Lance Raymundo ang gaganap ng Jesus Christ sa isang Senakulo na ididirihe ni Lou Veloso. Dalawampu’t pitong taon nang ginagawa ni Lou ang pagdaraos ng ganitong palabas. Taun- taon nang ginagawa ni Lou ang ganitong pagtatanghal, at bawat taon may idinaragdag siyang bago. For this year, gagawin niya itong isang dance play. Pero sinabi ni Lou na hindi ito isang musical. Gusto lang niyang ibahin ang palabas niya. Next year, pakakantahin niya si Herodes na gagampanan ni Bernardo Bernardo. Magsisimula ang pagpapalabas nito sa March 29 sa Greenfield sa Ortigas. Tatakbo ito hanggang April 2 sa ilang mga piling venue.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

BERNARDO BERNARDO

BIANCA GONZALES-INTAL

BUSINESS ADMINISTRATION

GANUNDIN

INTERNATIONAL ACADEMY OF MANAGEMENT AND ECONOMICS

LANCE RAYMUNDO

LOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with