^

PSN Showbiz

Kahit nangako si Robin ng lot of sex Mariel ayaw pa ring ipatanggal ang anak na patay na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay ibinalita ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account na nagkaroon siya ng miscarriage. Sa sinapit ng aktres ay todo-alaga ngayon ang asawang si Robin Padilla, mga kapamilya at malalapit ng kaibigan nila. “Hindi magaan sa kanya, bago eh. Huwag namang mangyari ulit pero unang shock eh. Hindi naman pwedeng… ang tagal-tagal naming plinano, kung kailan namin plinano hindi nangyari. Saka handa na siya, handa na ako, handa na ‘yung mga bata. Pati si first wife, handa na rin sa mga mangyayari, planado na eh,” pagbabahagi ni Robin.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mag-asawa dahil ayon daw sa doktor ni Mariel ay malaki pa ang tsansa na magkaroon sila ng anak. “Pwede pa nga, sabi ng doktor niya tanggalin na lang natin ‘yan and do a lot of sex. Ako naman, oo nga, pero ayaw eh,” pahayag ni Binoe.

Hanggang ngayon ay naka-bed rest pa raw si Mariel ayon sa aktor.

Coco binabantayan ang mga umaaligid kay Julia

Nakapagpundar na si Coco ng isang malaking bahay para sa kanyang buong pamilya. Ngayon ay plano na rin daw ng aktor na makapagpundar ng ilang mga negosyo para sa kanyang mga mahal sa buhay. “Gusto ko magkaroon ng kahit paano, iba pang business para sa family ko. Gusto kong magkaroon ng business para maibigay sa mga kapatid ko. Kasi sabi ko nga, siguro sa pamilya namin, ako ‘yung pinalad. Gusto ko silang tulungan,” bungad ni Coco.

“Kasi alam ko na after that, matatapos lahat ito. Darating ang time na magpapamilya ako, ayoko namang dumating ang time na kapag may pamilya na ako, tapos sila, wala na. Gusto ko, bago mangyari ang lahat ‘yun, bago ako mag-settle, gusto ko maayos na sila,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, muling magkatambal ngayon sina Coco at Julia Montes sa fantasy series na Wansapanataym. Para sa aktor ay malaki na ang ipinagbago sa pisikal na kaanyuan ng aktres. “Sa Walang Hanggan ay ang taba-taba pa ng pisngi ni Julia, batang-bata pa. Then no’ng nag-Moment in Time (pelikula ng dalawa) kami, medyo nagkaka-hitsura na. Nagkakaroon na ng dating sa akin. Then sa Ikaw Lamang, nakita ko ang maturity niya as an actress. Then, nakita ko ngayon, nagdadalaga na, paganda na nang paganda. Parami nang parami ang mga umaaligid na gustong manligaw,” nakangiting kwento ni Coco.

Naudlot nga ba ang panliligaw diumano ng aktor kay Julia? “Walang naudlot. Kasi noon pa, mula ng Walang Hanggan hanggang no’ng Ikaw Lamang and hanggang ngayon, kung ano ‘yung trato namin ni Julia sa isa’t isa at kung ano ang pagkakaibigan namin, gano’n pa rin po talaga,” giit ni Coco.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

IKAW LAMANG

JULIA

JULIA MONTES

KASI

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA

SA WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with